Chapter Thirty-Three

3.8K 117 11
                                        

LILY OPENED A PINOT NOIR, so Jared decided to make a last minute, late night order of roast chicken. Nang makarating ang in-order na pagkain sa bahay, hinain iyon ng binata.

Magkatapat ng kinauupuan sila Lily at Nena, Jared at Clint.

May lamang red wine ang kani-kanilang wine glass maliban kay Nena na tubig sa isang tall glass ang iinumin. Hati-hati na ang inihaw na manok nang ilapag iyon ni Jared nang nakalagay sa isang puting babasaging serving plate. Napansin niyang pinakamalakas kumain sa kanila si Clint. In punto na kumuha ito ng tatlong piraso ng manok. Nena had two. Isa lang ang kinuha ni Jared kaya ginaya na lang ito ni Lily.

Nena sat across her seat, eating quietly. Bihasa pa rin ang mga kamay ng dati niyang kaibigan sa paghimay ng manok gamit ang dinner knife at tinidor. Naglayas daw ito noon para mamuhay ng simple at malayo sa demanding na mga magulang. Pero heto, at parang wala pa nama itong masyadong pinagbago. Nena still has that touch of class and finesse with the way her hands moved at the dining table.

Ilang minuto na silang galit-galit. Nasa pagkain nakatuon ang mga atensyon. Jared was the most focused of them all. Nasa pinggan lang nito ang mga mata at pansin. Siya naman, nakikiramdam sa mga kasama sa hapag. Lalo na kay Clint na unang pagkikita nila'y tila mainit na ang dugo sa kanya. Naobserbahan niyang maasikaso ang lalaki kay Nena. He kept on glancing at her, his eyes inspecting her food. Panay paalala sa asawa na sabihan ito kung may naramdamang hilo o anumang may kinalaman sa pagbubuntis nito.

Nahuli ni Nena ang palihim niyang pagmamasid.

"Happy birthday," basag ni Nena sa katahimikan, kasunod niyon ang pag ngiti.

Her smile looked sheepish, it made her seem innocent. And for Lily, it annoyed her a bit. Sino ba naman ang maniniwala sa kanya na si Nena ang may atraso sa kanya kung mukha itong inosente?

She looked away. Mataray ang mga mata nang damputin niya ulit ang tinidor.

"My wife just—" magpo-protesta na sana si Clint pero inunahan na niya ito.

"Thanks."

Lingid kay Lily na nakatitig na pala sa kanya si Jared. His eyes mirrored how pensive he was before calmly turning to his brother.

"How's the meal?" kumusta nito rito bago sumimsim ng alak.

"As usual, masarap ang manok nila," tukoy ni Clint sa restaurant na pinag-order-an ni Jared ng inihaw na manok.

"Mukhang makakaapat ka na nga, eh," puna nito sa paubos nang manok sa pinggan ng kapatid.

"So, how did you guys meet?" anito habang dumadampot si Clint ng isa pang piraso ng manok mula sa serving plate.

As Clint lifted his eyes on her, Lily knew right away that the question was for her.

Sinulyapan niya si Jared. Gusto niyang humingi ng saklolo rito. She only wanted a simple hint how he wanted her to answer his brother's question.

Jared just gave her a polite nod.

So, hindi siya natatakot sa posible kong isagot? Jared knows my nature. Maloko akong tao at...

Lily took in a breath as she faced Clint's direction.

Kinokonsensya ba ako ni Jared para sumagot ng maayos? Or is he really sincere when he said earlier that I can be trusted? Is he sincere when days before, he kept claiming that he doesn't trust me?

Ano ang dahilan ng pagbabago ng ihip ng hangin?

Nginitian niya si Clint.

"Jared is hired by our company. He's an outsource psychologist who will work hand in hand with our Human Resources Department." At nagkunwari siyang abala sa paghihimay ng manok gamit ang dinner knife at tinidor.

ARE YOU MAN ENOUGH?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon