Chapter Eight

5K 113 8
                                    

"GOOD MORNING," walang emosyong ganti niya ng bati sa guard bago ito nilagpasan ni Lily.

Variant is one of the places that make her feel dead in and out. Bukod sa bahay nilang mga Marlon, ang Variant lang naman ang isa sa mga lugar kung saan, required din siyang magpaka-plastic sa mga tao. Her family calls it being polite. Pakikisama. Pero para kay Lily, dahilan lang 'yon ng mga ito. Ayaw lang siya diretsahin ng pamilya niya na para sa imahe nila ang ginagawang iyon.

Their family is rich, but not yet in the level that people would consider a part of the higher ups, the socialites or the elite circle. Tatlong henerasyon na ang nagpalakad sa Variant- ang pagawaan ng papel na negosyo ng kanilang pamilya- ngunit, hindi sapat ang mayroon kang malaki at namamayagpag na negosyo para lang napasali sa alta sociedad. Alam din iyon ng pamilya ni Lily, kaya kahit ano ay ginagawa para mapabilang doon.

Pagpasok ng gusali, sumalubong agad ang malaking signage ng logo ng Variant. It was the word itself in a handwritten style that seemed to look like a signature penned in red ink. A white lighting glowed as an outline for the signange to make the logo pop. Sa ibaba niyon, nakapwesto ang receptionist desk.

Bawat madaanan ni Lily na staff ay bumati sa kanya hanggang sa marating niya ang pasilyo na may magkabilaang mga elevator. Saktong labas naman mula sa isa sa mga iyon ang ate niyang si Daisy.

Daisy is already fifty-two, soft-featured yet always serious which made her appear like an impudent child but with a few wrinkles on her face. Her sister reeked of so much maturity with her dark magenta suit, a white tank top beneath the blazer, gold chain on her neck and eyeglasses that has a silver rim. Nagtama agad ang mga mata nila. Huminto ang babaeng nakalow-bun ang itim at alon-alon na buhok sa kanyang tapat.

"I thought you're on an emergency leave, Lily," malamig nitong saad.

Hindi lang kita, nanuot din mula sa boses ng babae ang disgusto habang sinasabi iyon sa kanya.

"Should've asked me instead if, kumusta na ako? Kung okay lang ba ako? Kung nasa kondisyon ba akong mag-office ngayon dahil dapat naka-emergency leave ako, 'di ba?" kalmado ngunit may kagat ang kanyang sagot sa kapatid.

"Are you trying to say that I should baby you for such indecisiveness and irresponsibility?" walang tinag nitong sagot habang nakikipagtitigan sa kanya.

Inayos na lang niya ang pagkakasukbit ng shoulder bag.

"I'm already here, Dais. What else is your problem?"

Malamig na sinagot siya nito. "Half-day ka lang."

"I am still productive kahit kalahating araw lang ang ibigay sa akin para magtrabaho."

Daisy looked away to scoff. Her magenta lips stretched to a smile that sarcastically showed so much disappointment with Lily.

"We'll see about that. I have a meeting to attend to," Daisy arrogantly returned her eyes on Lily. "Now, if you'll excuse me."

Nilagpasan na siya ng kapatid. Nagkukumahog na sumunod sa babae ang sekretarya at mga alalay nito. Lily rolled her eyes and just headed straight to the elevator.

Noong una, gusto niyang isiping dahil sa age gap, kaya madalas silang hindi magkaintindihan ng kanyang ate. Pero habang tumatagal, namumulat si Lily sa katotohanang hindi iyon sapat na dahilan para maging malayo ang loob ng isang magkapatid sa isa't isa. There were so many times that they disappointed and disagreed with each other. Naipon ang mga iyon at pareho silang hindi marunong makalimot. Kaya heto. Sa ganito ang kinahinatnan nila ng kanyang ate.

The elevator doors opened. Lily made quick confident strides in her black, laced ankle boots toward a door she knew so well. It was a glass door that lead to a lounge area. Isa pang pinto at natunton na niya ang opisina ng HR Department.

ARE YOU MAN ENOUGH?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon