Chapter Twenty-One

4.1K 138 21
                                    

“NAPAPAYAG MO SIYA?” kunot-noo ni Miss Jackie nang i-update ni Lily tungkol sa pagpayag ni Jared ma-reappoint na psychologist para sa gaganaping team building.

“Of course,” she smiled proudly, sitting with her lower legs crossed on one of the visitor chairs.

Her figure outstretched in that relaxed position, looking her best in a short, white asymmetrical skirt that matched her white high-necked knot crop top. Komportableng tinukod niya ang siko sa armrest niyon para makapa ng mga daliri ang dulo ng kanyang maikling buhok.

“Why?” nakangiti pa rin siya. “Is it hard to believe that I can change his mind, Miss Jackie?”

She got no big reaction from the HR Head. “What’s hard to believe is that you’ll even try.”

Nabawasan ang laki ng ngiti niya. Kahit nakakurba pa rin kahit papaano ang mga labi, nawalan na ng sigla ang mga mata niya.

“Lahat naman kami rito, aware sa hindi mo pagkakasundo sa iyong mga kapatid.”

“Is it part of your job to start this topic?”

Nagpasensya lang ito. Hindi makikitaan ng bahid man lang ng galit o pagka-irita ang mukha nito.

“Sana, wala kang binanggit kay Mr. Guillermo na ikasisira ng Variant.”

Nawala ang kanyang ngiti. “Do you think, mapapabalik ko siya ulit dito kung may binanggit ako?”

“Bakit hindi? Trabaho niyang lumutas ng mga problema. Baka may nasabi kang…” nagtaas ito ng isang kilay, “… interesting.”

Lily scoffed. “Gusto mo lang yata malaman kung paano ko siya nakumbinsi.”

Naghihintay na tingin lang ang sinagot doon ni Miss Jackie.

Hay, sabi na nga ba. Tumuwid na siya sa pagkakaupo, inalis ang pagkakaekis ng mga binti. “Let’s just say, alam ko kung bakit umatras siya sa offer ninyo. Kaya…” she looked away from Miss Jackie and smiled knowingly, “…alam ko, kung paano siya pababalikin.”

“You mean to say, alam mong tinanggihan ni Mr. Guillermo ang offer dahil may concern siya regarding sa consent?”

Consent? Pinagtakpan ni Lily ang pagkabigla. She just smiled at Miss Jackie as if she was expecting that from her. Her discomfort grew as the silence between them stretched.

“Yes,” she finally said, noticing that the HR Head was waiting for her response.

“At paano mo siya nakumbinsi tungkol doon? Kasi, kung sinabi mong susundin natin ang gusto niya—” the woman leaned closer to her desk to give her eyes a closer look, “—hindi iyon mangyayari, Miss Lily.”

This time, her irritation showed. Unti-unti na kasing nagliliwanag sa kanya ang lahat.

“Honestly, I lied. Hindi ko alam na sa consent ang concern ni Jared,” aniya. “Hindi niya rin binanggit. Now I know, and it came exactly from your mouth, Miss Jackie. Na walang kamuwang-nuwang pala ang mga empleyadong a-attend ng team building na may maga-assess na psychologist sa kanila.”

Hindi natinag ang kanyang kausap. Nagpakatatag pero nasa pagkapirmi nito sa kinauupuan at bahagyang pamimilog ng mga mata ang pahiwatig sa tunay nitong reaksyon.

“You see, Miss Lily, nagsimula ito sa paninira sa atin. Sa nag post sa social media tungkol sa mga kalakaran sa loob mismo ng Variant.”

“Kaya naisip ninyo, makakatulong i-assess psychologically ang mga empleyado rito nang walang pahintulot nila?”

“If we will inform them about this, they will be on their guard, Miss Lily. Wala tayong mapapala. This is an investigation on our part as HR. Dahil pagkakamali natin ang ma-miscalculate ang mga taong pinapasok ng department natin sa kumpanyang ito.”

ARE YOU MAN ENOUGH?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon