NILIHIM NI LILY ANG REAKSYON. Mabubulunan yata siya sa mga sinabi ni Paula.
Nung humiwalay sa kanila ng daan si Jared, sinabayan niya sa paglakad papunta ng HR Department si Paula. May nadaanan silang toilet room kaya sinamahan na rin niya roon ang babae.
Inabala ni Paula ang sarili sa paghihilamos, sa maingat na paglinis sa mukha nito gamit ang tubig, liquid soap at ilang tissue. Sumimple naman ng check si Lily kung may tao sa mga toilet cubicles bago tinabihan si Paula.
Buti at dinala niya ang pouch. She pulled out a liquid lipstick and retouched the tint on her lips into a darker shade.
"No one's here, Paula. You can answer me now," aniya, nasa sariling repleksyon ang tingin.
"Lily..." she sounded hesitant, still drying her face.
"Is my brother harassing you?"
"Hindi sa gan'on."
Hindi sa gan'on? Pinigilan niya ang mapalingon sa babae. Kailangang palabasin ni Lily na hindi siya masyadong apektado.
"Matagal ko nang nase-sense lang na may gusto sa akin si Sir Basil."
"So, feeling mo lang na may gusto sa'yo ang kapatid ko?" dismayadong baba niya sa hawak na lipstick applicator.
Napailing si Paula, tinuloy ang pagpupunas sa mukha. "Nagparamdam na siya noon. Sinabi ko na hindi ako komportable sa libreng mga kape kaya tumigil siya. Nung napapadalas na ang pagbantay sa akin ni Sir Jared, medyo nakahalata na akong may kinalaman doon si Sir Basil."
"Ano ang ginawa ni Jared kaya lumakas ang kutob mong pinapabakuran ka ni Basil sa kanya?" harap ni Lily dito.
Yumuko si Paula para pumunit ng panibagong tissue sa kumpol na nasa kamay nito.
"Dapat, magka-kape tayong tatlo kanina, 'di ba?" balik ng tingin ni Paula sa salamin para ituloy ang pagtuyo sa mukha nito. She gently dabbed the folded tissue on the sides of her nose. "Hindi ako nakasama dahil pinatawag ako ni Miss Jackie. Kasama pala ni Miss Jackie sa office niya si Sir Basil."
"And?"
"Medyo sinermunan ako ni Miss Jackie, kung bakit wala ako sa desk ko. Sinabi kong magkakape na sana tayong tatlo n'on. Pinagtanggol naman ako ni Sir Basil. Sinabi niya kay Miss Jackie na hindi ko kasalanan kung nililibre ako ni Sir Jared ng kape."
Oh? Aling parte doon ang nagpa-assume sa kanyang may gusto sa kanya si Basil?
"Paano nasabi ni Sir Basil na nililibre ako ni Sir Jared ng kape kung hindi niya alam 'yon?"
Sinabi niya dapat na posibleng nakwento iyon ni Jared kay Basil kaya alam ng kanyang kapatid ang tungkol sa mga libreng kape. Pero pinangunahan si Lily ng selos.
"So, sumasama ka lang kay Jared dahil sa libreng kape?" naeeskandalo niyang wika.
Nililibre ka ni Jared ng... kape?
Hinarap siya ni Paula. "Kape 'yon. Libre. At Starbucks," panlalaki ng mga mata nito sa kanya. "Alangang tanggihan ko 'yon! Palibhasa ikaw, balewala sa'yo gumastos ng mahal para sa kape." For the very first time, Paula shed off a bit of her professional face. Lily had a glimpse of Paula's heart— appreciative, simple and dreamy. "Malaking bagay na sa akin makatikim ng branded na kape, alam mo ba 'yon?" Her voice was gentler, as if Paula was sharing her secrets... her wishes. "Hindi naman ako nakakatikim ng mga ganoong bagay kasi diretso sa gastusin sa bahay at sa pamilya ko ang sinusweldo ko rito. Tama na 'yong paminsan-minsan akong nakakabili ng mumurahing mga damit para presentable ako kahit papaano kapag pumapasok sa trabaho."
BINABASA MO ANG
ARE YOU MAN ENOUGH?
General Fiction[ Wattpad Version Complete Chapters ] [ COMPLETE ] [ Can be read as stand-alone ] ••• SPG R18+ Damn closure. It only adds salt to the wound. Why have one when you can just run away? That's what Lily Celeste Marlon did to Jared Guillermo, a psycholog...
