Chapter Eleven

5.5K 124 18
                                        

Year 2017…

IKA-7 NG OKTUBRE. Lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Lily sa Antwerp International Airport ng alas-singko ng hapon. To be specific, around 5:53 P.M. Lingid kay Lily na maaga ng dalawang minuto kaysa sa scheduled ang arrival time niya sa paliparan. Kung hindi pa nga siya tinapik ng isa sa mga flight stewardess, hindi pa niya huhubarin ang itim na sleep mask at sisilipin ang katabing bintana. Nang makita ang pagpatak ng mahinang ulan mula sa labas, naalerto siya.

Lily immediately collected her shoulder bag. Sa pagmamadali, binalunbon na lang niya ang gray na travel blanket at nagmistulang bow tie niya ang sleep mask na naiwang nakasabit sa leeg. Bahala nang magulo ang kanyang lagpas-balikat na red-orange hair. Nang marating ang pinto, pinandong niya sa sarili ang travel blanket. She stepped down the wet, metal stairs with her black knee-high velvet boots. Muntikan pang madulas sa pagmamadali. Buti at nakahawak siya agad sa railing.

This wasn’t that gorgeous grand entrance to a new country that she was envisioning hours ago, way back from London. Doon kasi siya nanggaling bago nag-book ng flight papuntang Antwerp, Belgium. And about the grand entrance, what the heck. For Lily, there’s nothing grand with a wrinkled white band shirt and a loose pair of black striped straight pants.

She was worried about her baggage, that’s the cause of her rush. Pero nakuha man niya ang dalawang maliit na maleta, nagkukumahog pa rin siya sa ladies’ room. Doon siya nag-retouch ng make-up, nagpalit ng damit at nagtali ng buhok. She reappeared outside, still in her black boots because of the sprinkle of rain and dark skies she observed earlier. Naka-low ponytail ang red-orange niyang buhok na nakalitaw sa ilalim ng suot niyang itim na beanie. Nakapatong sa kanyang damit ang itim at makintab na fur-lined parka na sa London pa niya nabili. Nakababa ang hood niyon.

Ang una niyang agenda ay makahanap ng tutuluyang hotel. Dahil hindi niya planado ang pagpunta sa Belgium, wala siyang anumang reservations na nagawa. As soon as Lily got inside a taxi, she peeked at the driver in front.

“Can you take me to the nearest hotel from here?”

Kita sa salamin sa ibabaw ng dashboard ang pag-aalangan ng middle-aged driver bago binuhay ang sasakyan.

“Yes, Ma’am. Certainly.”

“Thanks,” she sighed in relief before leaning against the seat’s backrest. Sinilip niya ang wallet mula aa kandong na shoulder bag.

May gusto lang akong makita rito. At kung magustuhan ko ang environment dito, I might stay a while.

Tsinek niya kung magkano ang perang natitira sa wallet bago nag-angat ng tingin sa driver.

“How much would it be?”

“The meter will tell. Later, I will tell you how much.”

Ay. Okay. Same lang sa taxi sa Pinas, nahihiyang yuko niya para isara ulit ang wallet at bag.
.
.
THE TIPS OF JARED’S JET BLACK HAIR TOUCHED HIS SHOULDERS. Nakailang suklay paitaas sa alon-alon at mahabang buhok ang mga daliri niya bago tinakpan ng sinuot na itim na beanie. Lumabas siya mula sa flat na naka-denim jeans, ankle boots na itim at puting turtleneck sweater. It was thicker and fluffier around the neck. Tamang-tamang pangontra sa lamig na dulot ng pag-ulan kanina.

Bitbit ni Jared ang itim na Jaegher bike sa ilalim ng kanyang balikat. Binaba niya iyon at pinosisyon sa gilid ng kalsada, sa tapat ng tinutuluyang gusali kung nasaan ang kanyang flat. The building was squeezed in the middle of a line of buildings. Contemporary and vintage brick architectures clashed between each building, making them mostly in brick brownish-red, dirty white or black painted. Some had zagged pyramidal roofs, some are flat like common buildings. Bukod sa dikit-dikit, parehong mga rental spaces iyon. Nakalinya sa tabi ng sidewalk ang sasakyan ng mga residente roon, kaya naman nakatabi sa loob mismo ng kanyang flat, nakasabit sa pader malapit sa pinto, ang kanyang bike.

ARE YOU MAN ENOUGH?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon