LILY WAS AT THE KITCHEN. Tinulungan niya sa paghuhugas ng pinggan ang nanay ni Jared. She better off in the company of someone who likes her than other people who didn't seem to like her presence. Yes, Beta included.
"You could have bought an automatic dishwasher," aniya sa ginang na abala sa pag-aayos sa cabinets ng mga tapos na niyang hugasan. "So that you know, your hands don't need to get too tired from washing these."
"There's no need for that. Isa pa, I'd rather keep my hands busy. Kapag hindi mo masyadong nagagamit ang isang parte ng iyong katawan, nawawalan ng flexibility. Gusto kong manatiling flexible ang mga kamay ko. It helps a lot with my baking."
"Haven't you considered having a cake shop? A bake shop?"
"Hindi na," nakangiting balik ng ginang sa kanyang tabi para kuhanin ang iba pang hugas nang pinggan. Tinuyo iyon ni Jade ng malinis na telang pamunas bago pinagpatong-patong. "Sapat na naman ang pera naming mag-asawa. Isa pa, masyadong takaw sa oras iyon at effort. Sa edad kong ito, mas gusto kong gawing hobby na lang ang pag-bake."
Tumango-tango lang siya. Nauubusan na siya ng matatanong sa babae.
Siyang alis ni Jade para itabi na ang mga pinggan.
"What about you? Bakit mas pinili mong maghugas ng pinggan kaysa samahan ang mga kaibigan mo sa veranda?"
"I just want to help. Isa pa, makakabonding ko rin naman sila mamayang gabi. Mag-iinuman daw. So," Lily shrugged, "why not be here at this hour?"
"Ang tingin ko kasi," tabi ni Jade sa kanya, "nagpapalakas ka sa akin."
Namilog ang mga mata niya. Mga kutsara na lang ang binabanlawan niya. "Gee-whiz, Ma'am, bakit naman ako magpapalakas sa'yo?"
"You seem too close with my son, Jared," himig panunukso nito sabay tulong sa kanya sa paghuhugas.
Nagparaya na si Lily at umusog para matulungan siya ng ginang.
"Dapat bang laging may malisya kapag close ang isang babae sa isang lalaki?"
"Come on, sarili niyo lang ang niloloko ninyo ni Jared. Hindi niyo maloloko ang mga tao rito, Lily," payapang ngiti ni Jade, nasa mga binabanlawan ang tingin.
Lumikha si Lily ng distansya sa pagitan nila. Iyon ay para maabot niya ang pamunas para tuyuin ang mga kutsara't tinidor.
"Wala naman ho kaming niloloko."
"If so, bakit kaibigan ang pakilala niya sa'yo? Ganoon din ang pakilala mo sa sarili mo?" nanghuhuling sulyap nito sa kanya.
"Eh, ano ho ang gusto niyong sabihin namin?"
Fubu kami, gan'on? Dugtong niya sa sariling isip. Sub at Domme?
"Just tell us the truth, hija," iyon lang at hiningi na nito ang towel para tuyuin ang natitirang mga kubyertos.
Wala na siyang nasabi pa. Tahimik niyang pinanood ang ginang hanggang sa kolektahin nito ang mga kutsara't tinidor. Ito na mismo ang umalis para itabi ang mga iyon sa isang drawer.
"Pwede ho bang makitulog dito?" aniya nang lingunin siya ni Jade. "I just want to nap. Nakasanayan ko na kasi na tuwing weekends at ganitong oras, natutulog ako."
Nakasanayan ko na dahil gising ako noon sa gabi, nasa The Org...
Sinamahan siya ni Jade sa isa sa mga guest room. It was a room with a paneled window that oversees the lush garden. Natatakpan ng grilled roofing na gawa sa kahoy ang veranda, pero medyo naaaninagan ni Lily ang mga naroon.
I wonder what they are talking about now. Sana nabanggit ni Ma'am na matutulog muna ako rito.
Pagkatapos, sinara na ni Lily ang bintana. She even pulled the thick and heavy dark blue curtains over that window. As soon as the sunlight was blocked out, Lily felt completely alone. All by herself in this simple guest room. Iisang abstract art na naka-frame at nakapasong halaman lang ang dekorasyon ng kwarto. Nasa tabi lang pinto ang remote ng split-type airconditioner kaya mabilis niyang nai-on iyon. Habang naghihintay sa pagkalat ng lamig sa buong silid, humiga si Lily sa queen-sized nitong kama na nalalatagan ng puting bedsheet na may dark blue accents. Maayos na nakatiklop sa gilid ng kama ang puting comforter blanket. Coziness swept through her as soon as her head slightly sunk on the big soft pillow.
BINABASA MO ANG
ARE YOU MAN ENOUGH?
General Fiction[ Wattpad Version Complete Chapters ] [ COMPLETE ] [ Can be read as stand-alone ] ••• SPG R18+ Damn closure. It only adds salt to the wound. Why have one when you can just run away? That's what Lily Celeste Marlon did to Jared Guillermo, a psycholog...
