BAGO PA SABIHIN NI LILY kay Jared na ibaba siya nito, ginawa na iyon ng lalaki. Nasa may kakitiran na sila na pasilyo kung saan magkakahanay ang doorway sa bandang kanan nila. She immediately spun to face him.
"I'm not drunk!" ulit niya sa binata. "How dare you carry me here!"
Pinatapos siya nito magsalita bago kalmanteng sumagot.
"I know. Pero nangako ako sa'yo, di ba?"
Naalala ni Lily ang mismong sinabi ni Jared nung nasa kotse sila at pauwi noon galing ng The Org.
I'll make sure nothing messes up my Domme's mind, how about that?
It was that same night when Jared said something about babies. Lily froze that time as she watched the tragic events of her life flash before her eyes. At tahimik niyang iniyak ang mga iyon nang manginignginig na pumasok sa banyo. Binuksan pa niya noon ang shower para makasiguradong mga patak lang ng tubig ang maririnig ni Jared mula sa labas.
Dahil sa pananahimik niya, nagsalitang muli si Jared.
"Ihahatid na kita sa guest room," anyaya nito. "Doon mo ba gustong matulog? Sa kwartong ginamit mo kanina?
Tinapatan ni Lily ang mapang-unawa nitong mga mata ng mabusising titig.
"What made you think I like to sleep in that room again?"
"Because you slept really well there," he softly smiled. "Ang haba ng tinulog mo. Eh, sa The Org, kahit anong pagod mo, uuwi at uuwi ka pa rin sa bahay mo. At nung nakitulog ka bahay ko, saglit lang din ang tulog mo. Kahit inaantok ka pa, gumising ka na agad noon at niyaya ako sa The Org."
Nagbaba siya saglit ng tingin. Then, Lily remembered the front she had to wear whenever she's around Jared. She granted him a confident smile.
"Okay, Subby. Carry me all the way there."
"Yes, Ma'am," he gave her a nod, then bent down to swoop her knees and hung them over his arm. Jared assisted her back with the other.
Maingat niyang dinantay ang mga braso sa balikat ni Jared para kumuwintas sa leeg nito.
The silence of that hall echoed the beat from Jared's careful steps.
And it felt like, her heart was in harmony with his steps, thumping along with his beat. That was enough to fill her with harmony in and out. It was too good to be true, Lily found herself placing the side of her head against the side of Jared's face.
He stiffened for a moment, surprised. Then got over it and resumed walking. Naramdaman niya ang bahagyang paghilig ng ulo nito. Tiyak na sumilip ang binata sa kanyang mukha bago binalik ang tingin sa tinatahak nitong daan.
Lily was growing too comfortable with their silence. She has to break it or Jared might misinterpret it.
"Remember our first night together in one bed back in Belgium?" she softly murmured. Ni hindi niya mapigilan ang ngiti nang maalala iyon.
"I remember," anito.
Lumiko ang lalaki at nasa salas na sila kung saan abot-tanaw ang spiral staircase patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Pakiramdam niya parang babasaging vase ang kanilang mga boses, na kapag bumagsak ay nakakabingi ang ingay. Kaya hininaan pa ni Lily ang tinig.
"I'm really horrified. Nagkalat ang mga lagas ng buhok ko sa kama mo. At sa sahig, at sa mga unan at kumot..." pinigilan niya ang matawa, lalo na nang maalala ang reaksyon ni Jared ng gabing iyon. "Ang lutong pa ng mura mo noon at pinagtatatampal mo ako para magising. Akala mo may kung ano akong sakit dahil grabe ang kalat ng buhok ko noon."
BINABASA MO ANG
ARE YOU MAN ENOUGH?
General Fiction[ Wattpad Version Complete Chapters ] [ COMPLETE ] [ Can be read as stand-alone ] ••• SPG R18+ Damn closure. It only adds salt to the wound. Why have one when you can just run away? That's what Lily Celeste Marlon did to Jared Guillermo, a psycholog...
