Chapter Twenty-Six

3.9K 116 19
                                        

“SEX LANG NAMAN ang mamamagitan sa atin, ‘di ba? As long as it stays that way, I have nothing to worry about, right?” Lily mimicked Jared’s tone mockingly.

Sabado pa ‘yon sinabi sa kanya ni Jared. Nung nag almusal sila sa isang restaurant imbes sa The Org. Ilang araw na ang nakalipas. It was already Tuesday.

Frustration gnawed her as she carelessly set down a cereal box on the table. Tinukod niya roon ang dalawang kamay.

What can I fucking do just to bring us back, Jared? Damn, why is this so difficult? It should be easier because we already loved each other.

Napabuntong-hininga siya. Napailing. Hindi lingid sa kanyang late na siya sa trabaho. Pero paano siya sisipagin kung ganitong gulong-gulo na naman siya?

She was supposed to be okay. Kaya niyang balewalain ang mga sinabing iyon ni Jared. Gayundin ang kawalan nito ng reaksyon sa mahabang dialogue niya tungkol sa deserve-deserve. Pero nakakainit lang talaga ng ulo na mula nung maghiwalay sila ng landas nung Linggo, hindi na ito nagparamdam.

“At ako pa sa amin ang mapaghiganti?” nagtitimping bukas niya sa karton at foil sachet ng cereal sa loob niyon. “Ako pa talaga?” buhos niya ng cereal sa bowl. “Eh ano ba itong ginagawa mo sa akin? Gino-ghost. Para gantihan ako.”

Padabog na sinuksok niya ulit ang foil sachet ng cereal sa kahon niyon.

“Wala talagang sinagot ang lalaking ‘yon sa mga tawag at text ko!” upo niya at nilapit sa kanya ang bowl ng cereal. “Unbelievable!”

She scoffed and reached for the carton of cold fresh milk.

“Nakakawalang-gana kumain!” buhos niya ng gatas sa bowl.

Then she stared at her cold breakfast.

“So what kung malamig? Mas malamig ka ngang hayop ka,” ngitngit niya, iniisip na kausap niya si Jared para lang makapaglabas ng sama ng loob sa lalaki bago kumain.

Pagdating sa Variant, normal lang ang naging takbo ng oras— mabagal at nakakabagot. Pumasyal si Lily sa production. Kakatapak pa lang niya sa loob nang salubungin ng matapang na amoy ng bagong papel. Sanay na siya sa malakas na ugong mga naglalakihang printing at binding machines, pero gumugusot pa rin ang mukha niya sa ingay ng mga iyon.

She stepped in, wearing a pair of pink accented Espadrilles that complimented her pink tube top, cream-white knitted cardigan and jeans. Her cardigan’s buttons were open, studded with a few stitched strawberry patches. Her jeans were white.

Inisa-isa niya ng panakaw na tingin ang mangilan-ngilang operator doon ng mga makina. Lahat abala at buhos ang atensyon sa trabaho. Sunod niyang nadaanan ang mga nagso-sort at quality check ng mga machine-bound notebooks at pad papers.

“Good morning, Miss Lily!” halos hindi sabay-sabay na bati ng mga ito.

She smiled curtly at them and said nothing. Nilipat niya agad ang tingin sa hanay ng mga pad paper at notebooks na sinasalansan ng mga ito. The employees took that as a hint to continue their task.

She eyed on every blank paper. On every lifeless, minimalist notebook covers.

Lily remembered the things she told Jared last Saturday.

She meant them. Every bit of them.

She cared about Variant.

She can relate with papers.

Gusto niyang magkaroon ng papel sa mundong ito.

Does that even make any sense?

Nalagpasan na niya ang mga nagso-sort ng notebook at papel.

ARE YOU MAN ENOUGH?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon