Chapter Thirty

3.5K 126 21
                                    

TINATAPOS NA LANG NI JARED ang pagsusulat sa record ng kanyang huling kliyente. He angled his wrist, checking his wrist watch before resuming writing.

Habang abala, siyang katok ni Heidi sa pinto bago sumilip.

"Sir Jared?" nanghihingi ng permiso ang tono ng mahina nitong tinig.

He did not bother glancing up at her. Tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa.

"Yes, Heidi?"

"Wala nang nagpahabol na clients. Last for today si Mrs. Policarpio."

"Thank you, Heidi."

Narinig niya ang maingat na pagsara ng pinto. Humakbang ang kanyang assistant palapit sa desk. Nagsusulat pa rin siya nang isa-isahin ng mga mata nito ang brown envelopes na magulo ang pagkakapatong-patong malapit sa sulok ng mesa.

"May kailangan ka pa ba, Sir, sa mga envelopes? Ako na po ang magbabalik sa shelf."

"Wala na. Hintayin mo na lang 'tong isa," walang buhay niyang saad bago sinilip na naman ang relo.

She remained standing there so, he spoke while writing.

"Take a seat."

Tahimik itong tumalima. Heidi sheepishly lowered her head, placed her hands on her knees. Nakikiramdam sa kanya ang babae bago kabadong ginala ang tingin palibot sa kanyang opisina.

Hindi na rin ito napaghintay. "Sir Jared?"

"Yes?" patapos na siya sa sinusulat.

"Sa tingin niyo ba, Sir, may pag-asa pa ako?"

"What do you mean?" nagkukunwari na lang siyang may sinusulat. Lingid sa kaalaman ni Heidi na pinakiramdaman din niya ito. He could sense she was feeling quite tensed. At baka lalong kabahan ito kapag pinukol niya ang buong paningin at atensyon rito habang nag-uusap sila.

So, he chose to pretend he was still writing.

"Parang magi-stop na naman kasi ako sa pag-aaral, Sir."

"Bakit naman?" panakaw-nakaw lang siya ng tingin sa assistant.

"Wala kasing tutulong kina Nanay."

"Sila ba ang nagsabing mag-stop ka?"

Hindi ito nakasagot kaagad.

"Hindi kita matutulungan kung, hindi ka magsasabi sa akin," tuwid niya ng upo, seryoso ang tingin na pinukol sa kausap.

Mahina itong natawa. "Eh, kahit ano naman siguro ang mapag-usapan natin, Sir, hindi rin naman siguro mababago n'on ang sitwasyon ko."

"Pero ikaw ang naunang kumausap sa akin. Ibig sabihin, alam mo sa sarili mong may magagawa ka para mabago ang sitwasyon mo."

Pinanghihinaan ng loob na napalingon ang babae sa kanya. "Sa tingin mo, Sir?"

"Oo. Sino ba ang nag-aaral sa inyo? Sino rin ba ang gumagastos para mapaaral ka?"

Nahihiyang napayuko ito, napatitig sa mga kamay nito si Heidi, mga kamay na kabado kaya panay ang hagod sa sarili nitong mga tuhod.

"Ako..." mahina nitong wika.

Nilagay na ni Jared ang sinulatang record sa brown envelope. "Nakaka-proud, 'di ba? Kasi, ilang ulit ka na nilang pinagi-stop, pero nakakapagpatuloy ka pa rin."

Sinama na niya sa magkakakapatong na mga brown envelope ang huling sinulatan ni Jared. Napatitig siya sa paling na pagkakapatong-patong ng mga iyon.

"Napapansin mo ba?" wika ni Jared habang nakatitig sa mga envelope, "Maraming pumipigil sa atin gawin lahat ng gusto natin. Isa na roon ang konsepto ng kung ano ang tama o mali, mga alituntunin ng kinabibiliganang relihiyon o gobyerno, 'yong mga tao sa paligid natin... pero ang pinakamatindi sa kanilang lahat, 'yong sarili natin."

ARE YOU MAN ENOUGH?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon