Chapter Fifty-Six

2.5K 104 31
                                    

MAY NATANAW SI LILY. Parang pamilyar sa kanya kaya sumilip siya agad sa bukas na bintana ng sasakyan.

"Shit," she muttered lowly before putting her head back in.

Napapalo siya sa manibela ng sasakyan bago dinampot mula sa cup holder ang namamawis niyang iced coffee. Matabang na iyon dahil tunaw na yelo na lang halos ang laman. Pero napainom siya para ibsan ang inis, bagot at tensyon.

She just saw Jeanie.

And she saw Jeanie see her.

Pagbaba ni Lily ng cup, binalik niya sa harap ng tingin. Malala pa sa multo ang pinsan dahil, malapit na ito sa kanyang kotse.

"Shit, shit, shit," she scrambled around for her shoulder bag. Why the fuck was she even searching for it? Nakasalpak na pala sa susihan all along ang susi ng kanyang sasakyan.

Ang kailangan na lang niyang gawin ay pihitin iyon para buhayin ang makina, pagkatapos, nakatayo na pala si Jeanie sa tabi ng kanyang bintana kaya binaba ni Lily sa manibela ang mga kamay at umaktong walang kamalay-malay sa presensya nito.

She drummed her fingers on the steering wheel, imagining herself jamming to a chill beat before moving her eyes toward Jeanie.

Sumilip ang babae sa kanyang bintana. Talagang yumuko para makita ang kanyang mukha. Napipilitang humarap siya rito. Sarkastiko ang ngisi niya rito.

"Talagang sinilip mo pa ako rito sa loob?" mataray niyang bungad dito.

"What brings you here, Lily?" nasa himig nito ang pang-iinis. Nagkukunwari pang walang muwang. "Why are you in your post in there? Sa Variant?"

Sumandal siya sa backrest, tinaasan ito ng isang kilay.

"I should be asking you that. Office hours pa ngayon, bakit namamasyal ka rito sa labas?" Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Tapos, kapag ako naman ang out of post, ang init-init ng ulo niyo sa akin."

Jeanie scoffed, stepped back so she could still see her even without lowering down her head. That's when the view of her cousin restretched in visual perspective— tight white pants and a fitting button-down blouse in a bright shade of blue. Unat na unat ang pagkakabagsak ng itim nitong buhok.

Her cousin's lips stretched into a wicked smile. "I just left something in my car. I didn't expect you're here. Don't tell me, dito ka na naka-assign ngayon. Tagabantay ng parking lot!" Binuntutan iyon ng malutong nitong pagtawa.

"So stupid. Sa sobrang kabobohan mo, natatawa ka na sa mababaw mong joke," she shook her head in disgust.

"Oh, yeah," mocking still tinged Jeanie's tone, "paano ka nga naman pala matatawa, mahirap tumawa kapag minamalas sa buhay." Nagtaas-noo ito at hindi siya binigyan ng pagkakataong masagot ito. "So, tell me, ano pa ang ginagawa mo rito? Nag-fail kang ma-sabotage ang Variant kaya maga-attempt ka na naman?"

Lily rolled her eyes.

"Hindi mo masisindak si Basil," patuloy nito. "O ang kahit sino sa Variant, Lily. May pasugod-sugod ka pang nalalaman. Sarili mo lang ang pinapahiya mo."

Tinuon niya sa harap ang tingin. To be honest, Jeanie was only a waste of time to argue with. Nagdadalawang-isip pa nga siya kung papatulan niya dahil ganoon kawalang-kwenta makipagtalo rito.

Kaya lang bored na bored na siya sa paghihintay ng resulta ng pagsugod niya kanina sa Variant. Hindi napigilan ni Lily na paglibangan ang pinsan.

ARE YOU MAN ENOUGH?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon