Chapter Twenty-Three

4.3K 129 20
                                        

LILY STARED AT THE MEMO ON HER DESK. Nakatiklop iyon na bond paper nung una. Nang buklatin niya at nabasa ang heading, hindi na niya kailangang basahin pa ng buo para malaman kung ano ang nilalaman ng memo. She could clearly remember what happened yesterday. Walang paalam siyang nag-half day. Simula lunch break hindi na bumalik pa ng opisina si Lily.

How could she forget yesterday?

She could not help smiling upon remembering Jared.

His kisses… His touches… She trailed a forefinger across her lower lip. Reliving his taste in her mouth, the warmth of his body against hers...

“May nakuha nang memo, masaya pa,” wika ni Paula, isa sa mga HR staff na nagpadilat sa kanya.

Dumaan ito sa kanyang desk bago narating ang sarili nitong cubicle. Napasimangot tuloy siya saglit. Ang bilis naman ng pagdaan nito. How could Paula not stop a bit in front of her desk and stare at her clothes? She was elegant yet contemporary and chic in her white peep toe pumps and chestnut colored, high collar bodycon dress! Lily stood up, peered over the chest-high division between their areas. Nakita niya ang paglapag ni Paula ng shoulder bag nito at cup ng take-out coffee bago binuksan ang desktop computer.

“Because it’s worth it,” sagot niya sa tinuran ng babae.

Tumuwid na ito ng tayo at nilingon siya.

“Kung hindi ka lang kapatid ni Sir Basil, matagal ka nang tanggal dito.”

“I know,” mayabang niyang ngisi.

Napatitig ito saglit sa kanya, may panghihinayang sa mga mata bago inokupa ang sariling swivel chair.

“Update mo naman ako. Ano mga nangyari kahapon? After lunch?” patong ng isa niyang kamay sa ibabaw ng kanilang dibisyon.

Nasa monitor na ang mga mata ni Paula, nasa keyboards at mouse ang mga kamay.

“Iyon. Naghahanap ng kopya ng employee handbook kahapon si Sir Basil. Wala ‘yong in-charge sa mga records at documents.”

Saglit lang namilog ang mga mata niya. Lily covered up her worry with a goofy grin, nodding her head.

“Ahh… I see…”

Paula was already full of it. She turned her head to face her.

“Lily,” pirmi nitong wika.

“Hmm?”

“Kung may conflict ka man sa mga kapatid mo, then do whatever you want to them. Pero sana, hindi mo dinadamay ‘yong mga walang kinalaman sa problema ninyo. Tulad naming mga katrabaho mo.”

Tumango lang siya. To be honest, of all the people in this company, Paula was the only person she respects. Especially when Paula starts to talk seriously.

Lily sighed. “Sorry, Paula. I just can’t help it.” She met her workmate’s eyes. “I mean, kailangan ba talaga ako rito? Taga-file lang naman ako ng mga documents dito. Taga-print at photocopy. Taga-stapler...” Napasimangot siya. “Ang boring-boring. Napakaliit na bagay lang nitong mga task ko na pwede namang sa inyo na lang tutal, files naman ‘yon na under sa mga hina-handle niyong trabaho rito sa HR.”

Paula considered, she fell into silent thinking while still watching her.

Her drama went on. “Sa tingin ko talaga, nilagay lang ako rito ni Kuya Basil para ipamukha sa akin na ganito kababa ang tingin nila sa akin. ‘Yong tipong, taga-print, taga-photocopy, taga-file at sort ng mga papel at documents—”

“Iyon siguro ang dahilan kaya nilagay ka rito ni Sir Basil,” Paula returned her eyes on the computer, starting to dismiss her. “Para matutunan mong bigyang halaga at i-appreciate kahit ang pinakamaliliit na trabaho.”

ARE YOU MAN ENOUGH?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon