Chapter Thirty-Five

3.4K 131 20
                                    

NARINIG NI LILY ANG PAG-USOG NG UPUAN NI PAULA.

She checked the clock on her computer's monitor— 3 PM.

Nang tumanaw, nakita niyang paalis na sila Jared at Paula. Magkausap pa rin ang dalawa.

Mabilis siyang tumayo. "Coffee?"

Napalingon sila Jared sa kanya. Her heart crushed with the way the two of them looked at her. Pakiramdam niya, panira lang siya sa paglalapit ng dalawa. They seemed to be getting along pretty well these days. They even established a new bonding habit— having coffee at 3 PM.

Sumulyap si Jared kay Paula, nagtatanong ng permiso ang mga mata.

Nahihiyang napaiwas ng tingin si Paula rito bago nilipat ang tingin kay Lily. "Sure."

Dapat masaya siya dahil pumayag itong sumama siya. Pero hindi. Parang lalo lang siyang nahirapang huminga. Pinigilan niyang ipahalata sa mga ito ang panic. Nagbubuhol-buhol na ang kanyang isip kung paano aakto kasama ang mga ito. She picked up her lovely purse and joined them.

"Starbucks? Let's go?" patiuna ni Lily sa mga ito para hindi makahalata, lalo na si Paula, na gusto niyang matyagan ang dalawa.

Nauna siya sa mga ito ng ilang hakbang, pero alerto siya. Baka mamaya, matakasan pa siya ng mga ito nang wala siyang kamalay-malay. She could hear their low voices talking, but could not make out a single word.

They got inside the elevator. Doon lang hindi nag-imikan ang dalawa. Sinadya yata 'yon ng mga ito dahil mas maririnig niya ang boses ng mga ito kapag sa elevator nag-usap.

Sa totoo lang, nangangati na siyang makisali sa dalawa. She wanted to give a piece of her mind. Especially, Jared. Gusto niyang malaman kung ano ba ang pinag-uusapan ng mga ito at hindi matapos-tapos.

Lily took in a deep breath. But if I do that, they will think that I'm such a desperate. Baka pagdudahan pa nila kung bakit nakikialam ako sa pinag-uusapan nila. Her lips tightened. Ano ba ang sinabi ni Jared kanina? Na hayaan ko na lang siyang gawin kung ano ang trabaho niya, 'di ba?

Then her face saddened. It was more visible in her round eyes.

Pero bakit gan'on? Bakit pagdating dito, parang hindi naman totoo 'yong mga sinabi ni Jared na may tiwala siya sa akin? Na makikinig siya sa boses ko?

She took in a deep breath, just time when the elevator doors opened. Nagtaas-noo siya at binalik ang kumpiyansa sa kanyang mga titig at sa paglakad.

I'll just keep a straight face. I'll figure things out soon.

"Lily?"

Hindi niya nilingon si Jared. Kahit pa alam niyang naglalakad na ito sa kanyang tabi.

"Lily—"

"Yes, Mr. Guillermo?" malamig niyang responde rito.

"It'll be just the two of us now."

"What do you mean—" she wildly turned and stopped mid-sentence after checking on her back.

Wala na sa paligid si Paula. Hindi niya rin yata napansing hindi ito lumabas ng elevator.

"Si Paula?" salubong ang mga kilay na balik niya ng tingin kay Jared. "Hindi man lang nagpaalam sa akin?"

"Biglang nagtext sa kanya si Miss Jackie. Pinabalik siya sa HR Department," paliwanag nito. "So," he returned his eyes at the front, "I guess it's only you and me now."

Napaingos siya. "Hmph. This displeases me, subby. Humanda ka sa akin this weekend. Paparusahan talaga kita."

Jared lowered his head and wore a gentle smile on his lips.

ARE YOU MAN ENOUGH?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon