Chapter Seventy-Five

1.9K 109 26
                                    

CLINT’S EYES WIDENED WHEN SHE CAUGHT HIS GAZE. Napahinto ito sa paglalakad. He angled and Lily instantly knew that he was planning to face her direction.

No, no, no, no, takot na pakiusap ng mga mata niya rito.

Tuluyang humarap sa kanyang direksyon si Clint. Mabilis na gumawi ang kanyang mga mata sa gunman. Tumusok ang siko nito sa likuran, hudyat na nilalabas na nito ang baril mula sa pagkakakubli sa ilalim ng jacket.

Lily just realized that it wasn’t her eyes that just moved. Also her feet.

Her arms.

Mabilis na binangga niya pakanan ang gunman. Gulat na napalingon ito sa kanya, nabitawan ang hawak na baril. They collided. Napadaing siya dahil matigas ang katawan ng lalaki. She groaned as she landed on the ground face down. Pinangtukod niya ang mga palad at tuhod sa semento pero nahuli ang kanyang kilos. Tumama pa rin doon ang kanyang dibdib, nangatog sa pwersa at bigat niya nang tinukod mga tuhod kaya napadapa siya nang tuluyan. Dahil doon nauntog pa ang kanyang noo.

Lily flinched as she rolled on her side. Hindi niya malaman kung ano ang uunahing aluin— ang dibdib, noo, o mga tuhod. Kaya napabaluktot na lang siya sa patagilid na pagkakahiga.

From the shock of seeing her, Clint’s eyes narrowed at the man. Nagdilim ang anyo nito nang mapagtanto kung sino ang lalaki. Kung ano ang posibleng motibo nito.

Pagkabagsak nila Lily sa konkretong sahig, maagap na sinugod ni Clint ang lalaki. Sinungkit ng paa nito ang dibdib ng lalaking napadapa ng bagsak. Clint flipped him up to lie on his back before pushing down a knee to his chest, the other knee along with the leg pinned on the ground, supported his weight. Marahas nitong hinablot ang kwelyo ng bomber jacket ng lalaki.

“Sino ang nagpadala sa’yo?!” hasik ni Clint sa mababa ngunit nagbabantang boses. “Sino?”

Mayabang na nginisihan lang nito si Clint kaya marahas nitong binitawan ang lalaki sa kwelyuhan. The gunman’s head slightly bobbed when he was released. Luminga-linga sa paligid si Clint, naghahanap ang mga mata ng security nang hablutin sa kwelyuhan ng roundneck sweater nitong grey ng gunman. His inhale was sharp. Clint threw his hands on the collar of his shirt, on the hands of the gunman. Naglaban ang dalawang lalaki. Ang isa ay balak pabagsakin ang abogado. At ang abogado naman ay balak makawala mula sa kapit ng kalaban.

Sa ganoong eksena sila namataan ng security guard na dali-daling lumapit sa kanila. Habang tumatakbo, hinanda na nito ang baril na tinutok sa dalawa nang huminto ilang hakbang ang layo mula sa insidente.

“Kayo! Tumigil kayo! Tigil! Tigil!” sunod-sunod nitong bulyaw sa kanila dahil walang tumitigil kina Clint kahit sinabihan na ng gwardiya.

Halos walang katao-tao sa paligid. May mga mapapadaan sana na nag-iba agad ng direksyon para makaiwas sa gulo. May ilan namang sumaglit lang ng noon bago umalis.

“Tumigil kayo!” ulit ng gwardiya na hindi pa rin malaman kung paano aawatin ang dalawa.

Lily coughed and turned to face their direction. Ininda niya ang sakit na nararamdaman at minulat ang mga mata. Kitang-kita niya ang pagbubuno ng dalawang lalaki.

The worried security guard wore a stern face. Iniwan nito ang baril na nakatutok sa isang kamay para abutin ng isa pa ang walkie-talkie na nakasabit sa bewang nito. He began calling his co-guards.

Siyang bitaw ng lalaki sa kwelyuhan ni Clint para undayan ito ng suntok sa mukha. Napangiwi siya sa lakas ng suntok. Pero nagulat din. That punch didn’t even stir Clint, nor shook his head. Not a single bit. Nagtangis lang ang bagang ng lalaki na hinablot sa pulsuhan ang lalaki nang iatras ang pinangsuntok na kamay. Clint pulled his arm backward into a gut-wrenching, bone cracking twist.

ARE YOU MAN ENOUGH?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon