JARED NEVER APPEARED DURING THAT AWARDING. Gayunpaman, nanatiling composed ang host ng Halloween party at inanunsyo na lang na ang management na ang bahalang mag-abot ng premyo nito. Malalaman daw naman nila kung sino ang nasa likod ng costume dahil ini-inform iyon ng mga member at guests sa receptionist bago sila papasukin.
Hindi muna tuloy nagbihis si Lily. Sinadya niyang mag-abang sa mga lalaking lumalabas ng locker room. She just felt so sure that Jared would change clothes before leaving The Org. But to her utter surprise and disappointment, he did not show up there either.
Kaya naman, nagbihis na lang siya at matamlay na lumabas ng The Org. She was holding the keys to her car upon reaching the porch of the grand mansion. Mas pinili ni Lily na puntahan sa parking ang sariling kotse kaysa ipahatid sa isa sa mga staff sa tapat ng mansyon. She just wanted to have a little walk, breathe in the fresh air. Lalo na at may madadaanan siyang mga namumulaklak na halaman at naglalakihang mga puno bago marating ang parking.
She was about to go down the steps when she heard voices. Nalingunan niya sila Beta at Walter, kapwa suot pa rin ang mga costume nila. Beta held a red pouch and beamed upon seeing her.
“Lily!” iwan nito kay Walter para lapitan siya.
Pumihit siya paharap sa matalik na kaibigan. Ngumiti.
“You’re here?”
“Ako kaya nag-recommend sa’yo na pumunta rito?” pang-aalaska niya. “Kaya siyempre, makikita mo ako rito from time to time.”
You will also cringe once you witness how wild I can get. Iniiwasan ko lang these years tumambay sa dance floor para hindi mo ako matiyempuhan doon.
Kahit naman kasi mag-best friend sila ni Beta, nakaiilang na makikita nito kung ano ang ilan sa mga pinaggagagawa niya sa The Org. And maybe, that was also the reason why Beta and Walter rarely interact or walk around the club’s premises since they’ve been together…
“You’re leaving early?” tanong ng kaibigan.
“Ah, yes. Wala akong natipuhan tonight…” paalis na sana siya, balak na ring magpaalam sa kaibigan at sa asawa nito nang matigilan.
Lily got an idea.
“Actually… meron pala,” balik niya ng tingin dito. “I just never had the chance to know him.”
“Oh? Ang hirap namang paniwalaan, beshie,” magaan nitong tawa. “Aba, single guys just can’t resist your sex appeal!”
“I know right,” she proudly smirked. Pero agad ding naglaho ang ngising iyon. “Seriously. Bigla na lang kasi siyang nawala sa party, so…”
“Sa short encounter ninyo, hindi mo na naalala ang mukha niya? Ni hindi kayo nakapagsabihan man lang ng names?” Beta inquired as they stepped down from the porch.
Naabutan na sila noon ni Walter. He securely held Beta by the waist close to him, silent to give way to their conversation.“Hindi, eh. He’s… wearing this big cock costume. As in, malaking—” nahiya siyang diretsahin dahil sa presensya ni Walter, pumaling tuloy ang ngiti ni Lily nang ibalik ang tingin kay Beta, “Basta, malaki."
Namilog ang mata ng mag-asawa sa sinabi niya.
“Walter, baka naman pwede mo ako i-update kung ano ang name niya o taga-saan siya,” silip niya sa lalaking naka-Peter Pan costume. “Nanalo ‘yun ng Best Costume, eh, at saka hindi pa niya nake-claim ang prize niya. So, baka naman.”
Walter stifled his chuckle. His lips spread to a wide grin before he managed to control himself and began to speak nonchalantly.
“I apologize, pero pinapahalagahan ng The Org ang confidentiality ng mga clients nito,” may lungkot na sa ngiti nito. “Kaya pasensya na kung hindi kita matutulungan pagdating diyan.”
![](https://img.wattpad.com/cover/255729832-288-k567744.jpg)
BINABASA MO ANG
ARE YOU MAN ENOUGH?
General Fiction[ Wattpad Version Complete Chapters ] [ COMPLETE ] [ Can be read as stand-alone ] ••• SPG R18+ Damn closure. It only adds salt to the wound. Why have one when you can just run away? That's what Lily Celeste Marlon did to Jared Guillermo, a psycholog...