Chapter 12

2.8K 95 2
                                    

Kinabukasan, maaga kaming ginising ng mga pinsan niya.


Ngayong araw, napagplanuhan naming magharvest ng strawberries. Isa rin ito sa mga pinakagusto kong gawin sa Benguet.


"Dito, mas marami dito." sigaw ni Rochelle. Nagtakbuhan papunta doon ang iba pa niyang mga pinsan but I remained here.


I could see a lot of strawberries in this area too.


"Mala-Forevermore ah?" lumapit sa akin si Lorraine habang tumatawa. Natawa na lang din ako. But actually, I don't get her. Ano ba 'yung Forevermore? "Ay oo nga pala. Hindi ka yata nanonood ng TV." she realized. Napansin niya siguro sa hitsura ko na hindi ko siya naintindihan. "Palabas 'yun sa ABS-CBN. Nandoon sila Xander at Agnes na nagshooting doon sa La Presa sa may Baguio. Malapit lang dito 'yun. Marami din doong strawberry farms." napatango na lang ako sa sinasabi niya. "Ano ba 'yan. Hindi ka naman yata interesado doon. Ang ganda kaya 'nun tsaka nakakakilig pa." I don't know what to say since I don't know anything about what she's saying. I just nodded at her while picking some strawberries. "Nevermind. Lumapit lang ako dito para may itanong."


"Ano 'yun?" I asked her.


"Umamin na ba si kuya sa'yo?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko.


Ibig sabihin, alam na pala nila na ako ang tinutukoy ng pinsan nila. Sa sobrang gulat ko, hindi ako nakaimik sa tinanong niya.


"Nagtataka ka siguro kung bakit ko nalaman. Sa totoo lang, hindi naman niya sinabi sa amin eh. Pero alam kong ikaw 'yun. Ikaw lang naman ang lagi niyang kasama. Ikaw lang naman 'yung lagi niyang nakikita." she said like she have read my mind. "Oo, weird 'yun. Sino ba naman kasing mag-aakala na ikaw 'yung tinutukoy ni kuya. Isang lalaki na magkakagusto sa gaya mo, napakaweird nga talaga. Pero, masaya ako doon. Masaya ako kasi ikaw 'yung mahal niya. Masaya ako kasi kilala kita." now, I don't know what to say because it really is awkward.


"Salamat." tanging sagot ko dito.


"Oh sige na, balik na ako sa pagkuha ng mga strawberries." paalam nito sa akin at umalis na

Mahal Kita Pero (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon