Dumating na ang panahong ayaw mangyari ng lahat ng college student - ang thesis. Well, it's not really a problem for me kung iba ang kapareho kong gagawa ng thesis but I'm stuck with Yuji and that's the only thing that makes it bad.
First year college pa lang kami ngunit ang thesis na pinapagawa sa amin ay tungkol na kaagad sa business and we need to interview an HR for the details that we need. Gladly, may kakilala si Yuji na HR which made things a little bit easier for us.
"Ako nang bahala sa introduction part. Right now, all you need to do is to just shut up." istriktong sabi ko rito. Hindi naman siya nagreklamo dahil alam niyang kailangan niyang tumahimik para mapatino ang ipapasa namin sa Lunes.
Nag-search ako tungkol sa kumpanyang napili namin. Sinimulan ko sa pagsusulat tungkol sa pinakasentro ng topic namin bago dumiretso tungkol sa kumpanya. Mabuti na lang ay may website ang kumpanya upang suportahan ang mga nasabi ni Yuji sa akin tungkol dito.
"Ayaw mo bang kumain muna?" tanong nito habang nagtatype ako ng mga impormasyon na nababasa ko.
"Tapusin ko lang 'yung kalahati nito." maiksing sagot ko rito. Dalawang oras na kaming gumagawa dahil sobrang kinain ang oras namin sa paghahanap pa lang ng sampung online resources. Malapit naman na ako sa kalahati kaya't hindi na muna siya sumagot.
Nang matapos ako sa kalahati ng introduction namin ay nag-unat muna ako bago tumayo. Dito namin napiling gumawa sa sala nila dahil makalat daw ang kwarto niya. Mabuti na ring dito na lang upang sigurado na walang mangyayari sa buhay ko. Malay ko ba kung plano pala talaga niya akong bugbugin kapag nainis siya. Hindi naman imposible dahil natural na sa kanyang nambubugbog.
Pero aaminin ko, kapag seryoso pala siya'y kaya pala niyang magtino. Ramdam ko ang kagustuhan niyang matapos namin ito sa hindi malaman na rason. I know that he doesn't care about his academics so hindi ko alam kung bakit nagseseryoso siya ngayon and to whatever reason it may be, wala na akong pakialam. Ang mahalaga ay seryoso siya sa ginagawa namin at iyon lang ay napakalaking tulong na mula sa kanya.
"Enzo, kain na." tawag sa akin nito. Nasa kusina na siya ngayon at naghahanda na ng makakain namin. Hindi ko alam na marunong pala siyang magluto. Well, I don't know. Everything about him is sketchy for me so baka may lason pala ang pagkain. "Walang lason 'to. Takot ko lang na mawalan ng thesis grade." he said as if he read what's on my mind. Actually, he has a point there so lumapit na ako sa lamesa upang kumain.
Habang kumakain kami, I can't help but to look at him. Ibang-iba siya sa Yuji na kilala ko. Right now, everything is peaceful. I can see the sides of him na hindi ko pa nakikita noon.
"Yuji?" hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Mmm?" he answered while chewing his food.
"Why do you have to do that?"
"Alin?"
"The wars, the trouble... everything. I mean, sa nakikita ko kasi ngayon, mukha ka namang nice person. So, bakit?" diretsong tanong ko dito. If he can be this good, bakit pa niya kailangang makipag-away?
"Well, I have my reasons. Sa ngayon, hindi ko pa masasabi sa 'yo but if we became close, I will."
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero (BoyxBoy)
Teen FictionMaraming rason para masabi nating tayo ay umiibig. Maraming rason para masabi nating siya na nga si the one. But sometimes, there is also a reason why we don't want to love even though we can already feel it. 'Yung tipong ramdam mo na sa puso mong...