Chapter 10

3.1K 115 1
                                    

"One - zero" sigaw ni Rochelle - ang pinsan ni Matthew. Siya ang na-assign na maging scorer sa laro namin at kami ang unang nakapuntos.

I swear, I'm really enjoying this game; but I'm only doing this when I am with them. Sobrang gaan ng pakiramdam ko kasama nila and being out of my comfort zone is really worth it.

We ended the game at kami ang natalo. We dealt a while ago that whoever loses this game will treat the other team for a snack.

"Guys, sa Symole's na lang tayo kumain." yaya ni Matthew. He is from the other team who won.

"Sige na, ako na magbabayad." pagpiprisinta ko sa team namin. 

Nagpunta kami sa isang kainan, o mas magandang tawaging tapsihan. I really love to eat at this place. Yun bang nakakamura ako pero alam kong malinis at masarap yung kinakain ko?

Wala pang 1,000 ang binayaran ko sa in-order kong pagkain.

"Salamat Enzo!" sabi ni Lorraine.

"Thanks" pasalamat naman ni Rowena.

Sunod-sunod silang nagpasalamat sa akin and I nodded in return.

"Wala yun. Talo eh." biro ko at nagtawanan kami.

We started eating our snacks. Malapit na rin namang mag-gabi so I consider this one as my dinner. Magbabasa na lang ulit ako mamaya once we got home kasi alam ko namang puro activities na kami simula bukas.

"Ano na palang balita sa taong mahal mo Kuya Matt?" nagtinginan kaming lahat kay Matthew and we saw his sudden stop. Nagtaka ako sa narinig ko. Ibig sabihin, he is into someone without me knowing? Well, that girl must be lucky enough.

"Ah. That person? Still the same. Lagi ko naman siyang nakikita kaya ayos na ako doon." simpleng sagot niya na lalong ipinagtaka ko. Lagi naman kaming magkasama pero bakit wala siyang nababanggit sa akin?

"So, kailan ka aamin sa kanya?" tanong ulit ni Roxanne.

"In God's perfect timing, I guess." 

Mahal Kita Pero (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon