Chapter 27

1.7K 62 1
                                    

'Enzo, I'm not feeling well. I'll just tell my tito to reschedule our interview for tomorrow. Sorry talaga.'


Ayan ang bumungad na text sa akin pagkagising ko. Instead of thinking about our interview, mas inisip ko pa kung kumusta na kaya siya kaya nagreply ako to ask if he is with someone right now.


'May kasama ka?'


Mabilis rin naman siyang nagreply pagkatext ko noon.


'As usual, wala. Sige na, Enzo. Magpapahinga muna ako.'


Wala naman akong gagawin ngayon kaya naisipan kong ako na lang ang magbantay sa kanya. After all, may pinagsamahan na rin naman kami at hindi ko kakayaning mag-isa lang siya doon ngayong may sakit siya.


Nagmamadali akong kumilos. Ang dating halos isang oras na ligo ko ay kinaya ko ng limang minuto na talaga namang ikinagulat ko. Maybe, there's really a sense of urgency right now dahil alam kong sobrang nahihirapan siya ngayon. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay nagpahatid na ako papunta sa bahay nila.


----------


Luckily, hindi nakalock ang pinto nang magpunta ako sa kanila kaya't dire-diretso akong pumasok sa bahay nila. I was about to go up to go to his room nang makarinig ako ng taong sumusuka sa may banyo nila. Nagmamadali akong pumunta doon at nakitang nakaluhod siya sa harap ng inidoro at hirap na hirap na sumusuka kaya't ang ginawa ko'y hinagod ko ang likod niya. I don't know if it can help but I hope that it does. 


"Bakit ka nandito?" hirap na hirap na tanong niya. Instead of answering, nagmamadali akong pumunta sa kusina at kumuha muna ng tubig na maiinom niya. Pagkarating ko sa banyo ay nai-flush niya na ang suka niya kanina at papalabas na sana siya.


"Oh." abot ko sa kanya ng tubig na kinuha niya rin naman kaagad mula sa aking kamay. Pagkainom niya noon ay inabot ko ang kamay ko upang kunin sa kanya ang baso ngunit hindi niya iyon binigay sa akin. Bagkus, naglakad siya pabalik ng kusina at hindi na ako nagpumilit pa. Sinundan ko na lang siya upang alalayan lahat ng galaw niya dahil baka hindi niya kayaning mag-isa.


"So, bakit ka nga nandito?" tanong niyang muli habang inilalapag ang baso sa may lababo.


"Kasi may sakit ka. Sabi mo, wala kang kasama kaya pumunta ako." pagpapaliwanag ko dito.


"Umuwi ka na. Kaya ko naman mag-isa. Sanay na rin naman ako." mahinang sabi nito ngunit sapat na para marinig ko.


"No, Yuji. I insist." pagtanggi ko rito. Wala na rin naman akong narinig na sagot mula sa kanya pagkatapos noon. 


Nang ilibot ko ang paningin ko, nakita kong may pagkain pa sa lamesang hindi pa halos nababawasan. Alam kong pagkain niya 'yon at nakumpirma ko naman nang dumiretso siya doon at umupo sa lamesa.


"Hindi mo naman kailangang gawin 'to, e." pagbabalik niya ng usapan namin.


"Yuji, I'm doing this as your friend. Hindi ko naman kakayanin kung may mangyaring masama sa 'yo dahil lang mag-isa ka." sagot ko at naglakad papalapit sa harap ng inuupuan niya saka umupo. 


"I don't want you to see the weak side of me." nakayukong sabi nito na parang nahihiya.


"Showing your weakness is not that bad. After all, hindi ka naman talaga mahina. Nagkasakit ka lang, Yuji. And all of us, even the people who lives alone, needs someone to be with them kapag may sakit sila and I am more than willing to be that person for you kasi kaibigan kita."

Mahal Kita Pero (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon