Chapter 20

2K 74 1
                                    

First time in my whole life na na-curious ako tungkol kay Yuji. Is he like those guys from those novels na nabasa ko noon? Does he really have a good reason para makipag-away sa kung kani-kanino?


At ako ba ang bida sa kwentong ito?


Natawa na lang ako dahil sa iniisip ko. Pakiramdam ko'y kaya kong gawan ng solusyon kung ano mang rason ang mayroon siya. May sakit kaya siya sa pag-iisip? I cannot really tell. He looks normal. Mukha namang wala siyang problema sa buhay maliban sa pakikipagbasag-ulo niya so hindi ko talaga alam kung anong valid reason para sa lahat ng 'yun.


"Well, I have my reasons. Sa ngayon, hindi ko pa masasabi sa 'yo but if we became close, I will." 


What if makipagkaibigan ako sa kanya para malaman ko? Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit curious na curious ako pero gusto ko talagang malaman 'yung sagot. After all, mukha namang ayos lang din na makipagkaibigan ako sa kanya kasi nakita ko naman na 'yung mabait na side niya.


"Pagod ka na? Gusto mo ako na diyan?" tanong niya nang mapansing napahinto ako dahil sa kaiisip. Nginitian ko ito bago sumagot. Siguro nga'y tama siyang pagod lang ako kaya't ganito.


"Sige. Nandyan naman na 'yung resources na gagamitin. I-check ko na lang mamaya." sagot ko rito at tumayo na upang siya naman ang humarap sa laptop. 


Maya-maya lang ay nakatulog na ako. Nagising na lang ako nang maramdaman kong naiihi na ako ngunit pagdilat ko'y nakita kong nakatingin siya sa akin.


"Ah, I was suppose to wake you up. Tapos na 'yung introduction part." napangiti ako dahil sa sinabi nito. Ichecheck ko na lang mamaya pagkauwi ko kung tama ba ang ginawa niya.


"Okay. Pa-cr muna ako. Naiihi na talaga ako." paalam ko sa kanya.


"Sige lang. Feel at home." sagot nito at nagmamadali na akong pumunta sa banyo. Pagkalabas ko ay napansin ko ang isang larawan ni Yuji na mukhang nasa isang foundation. Kung siguro'y hindi ko pa nakikita na kaya niyang maging mabait, baka sobra na akong tumatawa ngayon. Hindi alam ng mga tao na may ganito pala siyang side.


Maya-maya lang ay bumalik na ako sa pwesto ko kanina.


"Nagpupunta ka sa mga foundation?" hindi ko na napigilang itanong dito. Wala naman sigurong masama kung itatanong ko 'yun, 'di ba?


"Nakita mo siguro 'yung picture 'no?" nakangiting sagot nito. "Ayan 'yung foundation na pinuntahan natin noong grade school sa field trip. Madalas akong bumabalik sa kanila pagkatapos noon." Hindi ko mapigilang humanga sa kanya. He help others na hindi niya pinapangalandakan na tumutulong siya. Kung hindi ko pa siguro tinanong ay wala nang makakaalam pa noon. "Napamahal na ako sa mga bata doon eh." dagdag pa niya.


"Ang swerte nila sa 'yo." 


"Akala ko ba monster ako?" biro nito sa akin sabay tumawa.


"Well, right now? Good monster ka na." pagsakay ko sa biro nito at nakitawa na rin. "I really never saw this day coming." hindi makapaniwalang sabi ko dito.


"This day?" nagtatakang tanong niya.


"The day na makakausap kita nang matino. The day na mag-eenjoy ako kasama ka."

Mahal Kita Pero (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon