Chapter 49

984 29 0
                                    

"Now, remove your blindfold." Hindi ko man alam kung nasaan kami ngayon, I chose to listen to Yuji. Sobrang kampante ko nang walang mangyayaring masama sa akin for as long as he is here beside me.

Pagkatanggal ko ng blindfold ay wala pa rin akong makita. Kahit si Yuji ay hindi ko makitang malapit sa akin.

"Yuji!" I shouted to call him. Is this even a prank? Hindi ko rin alam.

I was about to walk to find him when the room started to be filled with lights. Romantic lights. Akala ko sa movies ko na lang mapapanood ang mga ganito but here I am experiencing how good this one feels.

Nangingilid ang luha sa mga mata ko dahil sa sobrang kasiyahan nang biglang sumulpot si Yuji na hindi ko alam kung saan nanggaling. He is currently holding a bouquet of sunflowers and roses kaya tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.

"Even up until now, my love is still yours to have
Never have I seen someone as special as you are to my heart
Zero gravity... I feel like I'm always floating on air
Own me for I have no plans of being with them." Pagkalapit na pagkalapit niya ay agad ko siyang niyakap. God, how lucky I am for having my Yuji.

"Thank you, Yuji." Wala akong ibang masabi pa. Pagkabigay niya sa akin ng bulaklak ay naramdaman ko biglang parang isa akong reyna kahit wala naman akong korona. Sobrang sarap sa pusong ganito ang nararamdaman ko ngayon.

"I tried pulling off a poem the way you created it for me pero hindi ko kasi kayang gumawa ng sa apilido mo pa." Napakamot na lang siya ng ulo habang nakangiti.

"Kahit anong gawin mo, sobrang espesyal na. Thank you for making me feel special in your own ways, Yuji. I love you." I gave him a smack on his lips after saying that.

"My life is never a promise, Enzo. What I am sure of is that my love for you will last longer than what our life permits. Mamahalin kita kahit magkalayo tayong dalawa. Mamahalin kita kahit hinang-hina na ako sa dami ng karayom na ituturok pa sa akin. Mamahalin kita kahit matagal tayong hindi magkausap. Mamahalin kita kasi kahit tulog ako, ikaw pa rin ang laman ng mga panaginip ko. Buong buhay kitang mamahalin, Enzo. That's the only promise that I can give you, my love." Lalo akong napaiyak dahil sa sinasabi niya ngayon.

"Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin, Yuji. Hindi ko alam kung deserving ba ako sa pagmamahal na binibigay mo but what I can promise you is that my love will always be true to you. I always knew love based on the novels that I have read. I always have an idea in mind kung paano bang magmahal but you made me realize how capable am I of loving as well. You made me feel na kaya ko palang magmahal at may magmamahal pala talaga sa akin."

"You deserve my love. You deserve every beautiful poems and stories in this world. I may not promise you forever but I can promise you one thing aside from my love." I was waiting for the next thing na sasabihin niya pero parang wala siyang balak dugtungan.

"And that is?" Hindi ko na napigilan pang itanong.

"Someday, I want to continue writing the poem that I made for you. Kaso, nahihirapan talaga ako sa Rivera, e." Napakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon.

"Wala naman tayong magagawa kasi Rivera talaga surname ko." I jokingly answered. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Pero baka kaya ko na kapag Mitsusuro na rin ang apilido mo. Enzo, I'm not rushing things out and everything may be uncertain. But if I am still alive once we turn 25, will you marry me?" Napahagulgol na lang ako dahil sa sobrang tuwa sa ginawa niyang iyon. I never expected for things to turn out this way pero sobrang saya ko sa nangyayari sa buhay ko.

"Kahit 24 pa lang, I'll say yes, Yuji. Iyong-iyo ako."

Mahal Kita Pero (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon