Chapter 22

1.8K 68 2
                                    

Kinakabahan kong hinalughog ang bag ko dahil hindi ko makita ang paper namin. Sa pagkakaalala ko, inilagay ko naman 'yun dito kagabi pero hindi ko talaga makita ngayon.


"Any problem?" tanong ni Yuji nang mapansing natataranta na ako.


"Naiwan ko yata 'yung paper natin." sagot ko dito. Ngayon pa lang ay nakokonsensya na ako dahil damay rin siya kung sakaling hindi kami bigyan ng grade sa introduction part. Nag-effort pa naman siya para matapos ang paper namin tapos hindi ko rin pala madadala ngayon.


"Don't worry. I have a copy here." sagot niya sabay kuha sa bag niya ng kopya ng ipapasa namin ngayon. Napabuga ako nang malalim pagkatapos noon.


"Thank God. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kang dala." napahawak ako sa dibdib ko dahil alam kong napakalakas ng tibok nito ngayon. Mabuti na lang talaga at handa si Yuji dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung wala talaga kaming maipapasa ngayon.


"Kaso ayan 'yung unedited version kahapon. I know na nag-edit ka kagabi pero somehow, in-edit ko rin 'yan kasi may napansin din akong mali. Pagtiyagaan na lang muna natin." Inabot niya sa akin ang papel. Sino ba naman ako para umangal pa doon? Kasalanan ko naman kung hindi ko nadala 'yung kopya na maayos na. Besides, minimal changes lang naman ang ginawa ko. 


"Thank you." tanging nasabi ko dito.


Maaga pa naman bago ang aming klase kaya't isinalampak ko muna ang earphones sa tainga ko upang makinig ng mga One Direction songs. Well, they are my favorite boy band. It really saddened me nang malaman kong nagdisband na pala sila to be some solo artists pero masaya pa rin ako dahil kahit papaano'y maririnig ko pa rin silang kumanta individually.


Nang matapat sa History ang kanta ay hindi ko naiwasang malungkot. Bigla kong naalala si Matt na alam kong nagtatampo sa akin ngayon. Kaninang umaga, I woke up with his shortest morning message ever - and it was really a plain "good morning" text. Hindi niya rin ako sinundo ngayon kaya nagpahatid na lang ako sa driver namin. Well, I saw him at the hallway a while ago pero nginitian niya lang ako nang bahagya at pagkatapos ay pumasok na siya sa classroom nila.


Not that I am longing for his attention, nor his messages, nor his everything. But really, he's different now. Hindi ko rin maintindihan kasi wala naman talagang masama kung kakausapin ko si Yuji sa phone. And hindi rin naman tama kung magselos siya dahil basically, wala namang kami. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling 'yung nararamdaman niya ngayon kasi para sa akin, it is pointless. 


Maya-maya pa ay lumipat naman sa Perfect ang kanta. Si Yuji naman ang naalala ko dahil madalas niya akong kantiyawan na perfect daw ako. Naiinis talaga ako kapag inaasar niya akong perfect dahil hindi ko alam kung papuri ba iyon o pang-iinsulto. It can come on both forms pero ngayong mabait na si Yuji para sa akin, I can say that somehow, papuri iyon. And there's really nothing wrong with being perfect. 

Mahal Kita Pero (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon