Sobrang naaawa ako habang tinitignan ko siyang nakatalukbong ang buong katawan sa kumot. Alam ko ang ganoong pakiramdam dahil kapag ako naman ang may sakit, kahit na gaano kakapal ang kumot ko ay wala pa ring talab. Kitang-kita talaga sa kanyang nahihirapan siya ngayon.
Sinabi ko sa kanyang itutuloy ko ang thesis namin ngayon pero hindi ko matiis na hindi siya tignan. Ngayon ko lang napansing sobrang pula pala ng labi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit pero hindi maalis ang tingin ko doon. Ilang masasamang salita na ang lumabas mula sa bibig niya ngunit sobrang ganda pa rin nito. Nang i-angat ko ang aking tingin ay mas lalo ko pang hindi maiwasang tignan ang kanyang mukha dahil sa sobrang tangos ng kanyang ilong. Sobrang haba rin ng kanyang pilik mata at sobrang kapal ng kanyang kilay. Kaya naman hindi maiwasang magustuhan talaga siya ng mga taong nasa paligid niya.
Kahit na ako.
Simula ng araw na nalaman ko kung gaano kaganda ang kalooban niya'y hindi ko na maiwasang isipin na hindi naman pala masama kung magugustuhan ko siya. Hindi ako makapaniwala na dahil lang doon, nagustuhan ko na siya. For all my life, I never thought na may magugustuhan pala ako dahil wala na akong minahal maliban pa sa mga libro kaya't hindi ko rin lubos na maisip kung papaanong nangyari 'yon.
Kung sasabihin kong dahil lang nakita kong mabait pala siya, bakit hindi na lang si Matt ang nagustuhan ko? Sobrang tagal na naming magkakilala kaya alam kong deserving siya kung sakaling magustuhan ko man siya pero kahit kailan, hindi ko siya nakita bilang isang taong higit pa sa kaibigan. Kung sasabihin ko namang baka dahil sa pisikal niyang anyo, bakit hindi na lang din si Matt? Kung iraranggo lang ang mga gwapong lalaking nakita ko sa buong buhay ko, hindi naman sila nagkakalayo ni Yuji. Kung sasabihin ko namang dahil lagi kaming magkasama, mas lalong bakit hindi na lang si Matt? Buong buhay ko nang kasama si Matt kaya kung magkakagusto man ako sa isang tao, napakalaki ng posibilidad na si Matt 'yon at alam kong hindi ako magkakamali ng desisyon dahil gusto rin naman ako ni Matt.
Pero bakit si Yuji? Hindi ko rin alam.
Having these thoughts right now, hindi ko maiwasang makonsensiya kay Matt. Kay Matt na sobra akong inalagaan bilang isang kaibigan. Kay Matt na sobra akong pinasaya kahit pa lagi ko na lang siyang ipinagpapalit sa libro. Kay Matt na sobra-sobrang nag-adjust para sa akin para lang maging masaya ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, sobrang unfair ko kay Matt.
Hindi niya deserve masaktan. Hindi niya deserve na maiwan na lang sa ere. Kaya kahit pakiramdam kong nagugustuhan ko na si Yuji, alam ko sa sarili kong hindi pwede.
----------
Nagising na lang ako nang wala na si Yuji sa kama. Kaagad akong napabangon at nagmamadaling pumunta sa may banyo dahil baka sakaling nagsusuka na naman siya ngunit wala siya doon. Pumunta rin ako sa may kusina dahil baka nagutom lang siya ngunit wala rin siya doon.
Bigla naman akong nakarinig ng tugtog na galing sa gitara. Naramdaman kong si Yuji na 'yon kaya't sinundan ko kung saan nanggagaling ang tunog. Nakarating ako sa terrace ng bahay nila. Tama nga ang hinala kong si Yuji iyon na sa kasalukuyang nakaupo ngayon sa may duyan. Nilapitan ko siya at nakitang pikit mata siyang tumutugtog.
I found it amazing that he can play the guitar with eyes closed. And what really amazed me is his voice when he started singing.
[Play the song attached]
Back to you
It always comes around
Back to you
Ngayon ko lang nalamang marunong palang kumanta si Yuji. Wait. Let me rephrase that. Magaling pala siyang kumanta.
I tried to forget you
I tried to stay away
But it's too late
He sang those words with so much heart. Kahit ako, naramdaman ko 'yong sakit sa lyrics na kakasabi niya lang dahil sa pagdeliver niya dito.
Over you
I'm never over
Over you
It's something about you
It's just the way you move
The way you move me
Saktong pagkasabi niya ng huling linya ay dumilat na siya at doon, nagtama ang aming mga mata.
------------------
[A/N: Hi guys! Gusto kong malaman ang opinion ninyo.
Sa tingin niyo, anong mangyayari sa kwentong ito? (I have an idea in my mind already so ichcheck ko lang if pareho tayo nang naiisip)
Ang pinakamagugustuhan kong sagot will receive a dedication sa next chapter and ifofollow ko sa Wattpad. But it doesn't mean na ganoon nga ang mangyayari. Comment na guys :)]
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero (BoyxBoy)
Teen FictionMaraming rason para masabi nating tayo ay umiibig. Maraming rason para masabi nating siya na nga si the one. But sometimes, there is also a reason why we don't want to love even though we can already feel it. 'Yung tipong ramdam mo na sa puso mong...