Chapter 15

2.3K 83 2
                                    

Almost everyone were looking at him. Inaabangan yata nila kung saan uupo 'yung lalaking 'to. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi pa nila kilala si Yuji. 


My eyes widened when he sat beside me.


"Small world it is." he whispered as he sat as if he is just on a sofa on their house. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa batok niya at parang pahiga na kung umupo.


"Of all the seats available here, dito mo pa talaga napiling umupo?" I whispered back at him. Hindi ko pinahalatang nagsalita ako dahil siguradong iintrihgahin ako ng mga kaklase namin kapag nalaman nilang I am associated with this jerk.


"Why Mr. Rivera? Ayaw mo ba akong katabi?" nagulat ako nang lakasan niya ang boses niya kaya napatingin lahat sila sa akin. 


"Kuya, kung ayaw niya sa tabi mo, dito ka na lang sa tabi ko dali." pabirong sabi ng babaeng kanina pa nag-iingay.


"Ate girl, babatukan kita. Ako diyan." reklamo naman nung nasa unahan kanina pa.


"Sinabi ko naman kasi sa 'yo na bumalik ka na dito eh. Ilalagay ko talaga sa likod 'tong bag mo." nagtawanan lahat sila sa unahan nang walang nagawa ang nasa unahan naming kaklase kundi bumalik sa upuan niya.


Napansin ko naman ang pag-iling-iling ng katabi ko. Pasalamat na lang siya na nahihiya akong makisalamuha sa mga tao dahil kung hindi, iiwan ko talaga siya dito.


Maya-maya lang ay pumasok na ang aming professor sa unang subject namin. As usual, nagpakilala kami sa isa't isa dahil unang araw pa lang naman namin. Nalaman kong Danielle pala ang pangalan ng kaklase naming babae pero bakla kung umasta at Shane naman ang pangalan ng kaklase naming confirmed na. 


Nang si Yuji na ang magsasalita, nagsitahimikan silang lahat na parang nakalimutan na kung paano magsalita.


"Yuji Mitsusuro, 16 years old. The next person speaking is the perfect reflection of being perfect so yeah, let's give him a round of applause." 


Hindi ko alam kung iniinis lang ba talaga ako ni Yuji pero bakit kailangan pa niyang gawin 'yun? Imbis na magpalakpakan, inabangan nila akong lahat na magsalita kaya sobrang kabog ng dibdib ko dahil sa kahihiyan.


"Hi. My name is Enzo Rivera, 16 years old din." nagmamadali akong umupo pagkatapos kong magsalita. Nakakahiya sobra. Akala ba ni Yuji na nakakatawa 'yung ginawa niya? Kasi hindi eh. Nakakapikon.

Mahal Kita Pero (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon