From: Matthew
Wala kaming prof. Kayo ba? Kain tayo if wala din kayo.
Mabuti na lang talaga at wala ang prof namin. Ayaw kong magtiis na kasama si Yuji nang buong araw kaya nagreply ako kay Matthew.
Wala din. See you outside our room.
Pagkatapos kong magtext ay lumabas na ako ng room namin. Hindi naman nagtagal at nakita ko rin agad si Matthew.
"Saan mo gustong kumain?" he asked.
"Let's just look downstairs. Madami naman tayong pwedeng makainan sa baba." I answered. Maglalakad na sana kami nang biglang lumabas ng room si Yuji.
"Hey, bro." bati nito kay Matt. Lumapit ito sa pwesto naming dalawa kaya nainis nanaman ako. Kahit saan na lang ba eh susundan niya kami?
"Uy. Next time na lang tayo mag-usap. Kakain lang kami ni Enzo." sagot nito na ikinatuwa ko. Finally, he answered Yuji that way.
"Nagugutom na rin ako eh. Sama na lang ako sa inyo." my eyes widened by what he have said. Seriously? So buong buhay ko sa college, makakasama ko siya?
"Sige, bro. Tara na." yaya ni Matt kay Yuji at sinenyasan na ako nito upang maglakad na kami. Habang naglalakad, silang dalawa lang ang nag-uusap tungkol sa mga nangyari ngayong araw. I don't even try to listen kasi alam kong maiinis lang ako upon hearing Yuji.
Nang makarating kami sa baba, inunahan ko na silang dalawang maglakad. Bahala sila kung susunod sila o hindi. Nagtingin-tingin ako ng pwedeng kainan at nakitang may Mcdo kaya pumasok ako kaagad dito.
"Hi ate girl." bati sa akin ng kablock naming babae na maingay kanina.
"Hi." nahihiya kong sagot dito.
"Sabi ko na nga ba shy type ka beshie eh. Nako, 'wag kang mahihiya kasi bakla dapat ganda lang talaga." natawa ako sa sinabi nito sa akin.
"Nako Den, hindi ka talaga maubusan ng trip sa buhay ano?" pabirong pagsita naman ng isa pa naming kablock dito.
"Hay nako! Beshie girl, sama ka sa amin kumain dali." yaya ng kablock naming Den daw ang pangalan.
"Sure. Why not?" sagot ko dito. Bahala na si Matthew. Besides, kasama naman niya si Yuji so hindi na sya malulungkot mag-isa.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero (BoyxBoy)
Teen FictionMaraming rason para masabi nating tayo ay umiibig. Maraming rason para masabi nating siya na nga si the one. But sometimes, there is also a reason why we don't want to love even though we can already feel it. 'Yung tipong ramdam mo na sa puso mong...