Kinabukasan, maaga akong gumising dahil finals exam na namin; hindi para mag-aral, pero para tignan kung alam na ba ni Matthew ang lahat.
I kept on asking him about how to do these things and gladly, nasasagot naman niya. Mas maaga siyang nagising sa akin so I guess, nag-aral na siya before I woke up kaya niya nasasagutan ang lahat.
"You look like a monster last night. Natakot na ako kaya nag-aral ako kanina." asar niya sa akin at tumawa pagkatapos niyang sagutin ang sinabi kong last problem na sasagutan niya.
"Hah! I'm telling you! Kapag bumagsak ka sa isang subject, papatunayan kong may forever. Forever na kitang hindi papansinin." banta ko sa kanya.
"Hindi mo naman ako matitiis. You're gonna miss me for sure." natawa naman ako sa sinabi niya.
"Feeler."
There are points in our lives na nagiging childish kaming dalawa and I don't know. Siya lang ang nakakapagpagawa sa akin noon. I am too serious to laugh or joke after a serious matter but he always makes our mood light.
"Tara na? Pasok na tayo?" tanong niya sa akin kaya I nodded as an answer.
Habang naglalakad kami, parehas kaming walang imik sa isa't isa. Based on how I know him, he's recalling things on his mind for now. Alam kong paulit-ulit niyang inaalala lahat ng mga inaral niya and that's a good thing.
Nang makarating kami sa school, we part our ways already because we have a different schedule.
Alam kong mag-aaral pa siya ulit kaya kampante akong hindi niya ibabagsak iyon.
Madali lang ang naging test namin. Sabagay, kailan ba ako nahirapan sa Math?
Nagkaroon pa kami ng mga tests sa iba pang subjects at nadalian lang din ako sa mga iyon. Pagkatapos ng lahat ng tests ay dumiretso na ako sa tambayan namin ni Matthew.
"Woah. You always finish the exams quickly. So genius." he clapped after saying that. Alam ko namang nang-aasar lang siya kaya napa-iling-iling na lang ako dahil doon.
"Of course. Ikaw? Ayos ka na ba?" tanong ko naman sa kanya.
"Oo naman. Kung hindi ba naman tumatak sa utak ko to eh. Ewan ko na lang." biro niya at tumawa.
"Basta tandaan mo, papatunayan ko talagang may forever kapag bumagsak ka" banta ko sa kanya.
"Opo sir. Tatandaan ko po" sagot niya na ikinatawa ko.
Sana wala siyang ibagsak. It can't happen.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero (BoyxBoy)
Fiksi RemajaMaraming rason para masabi nating tayo ay umiibig. Maraming rason para masabi nating siya na nga si the one. But sometimes, there is also a reason why we don't want to love even though we can already feel it. 'Yung tipong ramdam mo na sa puso mong...