Chapter 21

1.9K 70 0
                                    

I saw some flaws sa ginawa niya kanina pero minimal na lang. Hindi na ako nahirapan pang i-edit iyon dahil karamihan naman sa ginawa niya ay tama. For Yuji, sobrang nakakagulat na kaya niya palang gumawa ng research paper that I must say, close to what I can do. May kaunting difference lang na kaya namang i-tama kung babasahin lang nang maayos. 


Well, baka naman kasi sinundan niya lang kung paano ko ginawa. But still, he did a great job. 


I printed the file and saved it in my computer for future reference. After that, pinatay ko na ang computer ko at dumiretso na sa kama upang matulog na sana nang biglang tumunog ang phone ko. I'm pretty sure na si Matthew naman ito kaya sinagot ko na ang phone ko kahit hindi pa binabasa ang pangalang nakalagay.


"Hello, Matt. Good evening." bati ko dito. 


"Ouch. Ang sakit naman noon." nanlaki ang mga mata ko nang hindi si Matt ang marinig ko. Doon ko lang binasa ang pangalan ng tumawag sa akin at doon lang nalamang si Yuji pala 'yun.


"Sorry, Yuji. I thought it's Matt." paliwanag ko dito. "Anyway, why did you call?" tanong ko rito.


"Itatanong ko lang sana kung may kailangan pang gawin sa paper." 


"So far, wala pa naman ulit." sagot ko dito. "By the way, you did great. Thank you."


"I know right?" pabirong sagot nito sa akin sabay tawa. "Ingat ka bukas." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. 


"Boyfriend?" pabiro ko ring sabi dito at natawa na rin.


"No." pagtanggi nito habang tumatawa pa rin. "Of course you need to take care. Nasa 'yo kaya 'yung paper. Baka mawalan din ako ng grade kapag hindi ka nag-ingat." depensa nito.


"Okay. As you say so." pabiro ko pa ring sabi dito na kunwari'y hindi ako naniniwala sa sinabi niya.


"Bakit, Enzo? Gusto mo talagang concern ako sa 'yo, 'no? Nafall ka na ba kaagad sa akin?" napalakas ang tawa ko dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko inasahang aabot sa ganoon ang biro niya kaya natawa talaga ako.


"You wish, Mr. Mitsusuro. Matulog ka na nga." tumatawa pa rin ako pagkasabi noon. This is my longest laugh, if I am not mistaken. And I did not expect that it will come from Yuji.


"Okay, Enzo. Matulog ka na rin para ma-fall na talaga ako sa 'yo." pahabol na biro nito.


"Good night na. 'Wag ka nang sasagot shocks." pigil ko dito at ibinaba na ang tawag dahil baka buong magdamag na kaming magbiruan at baka buong magdamag rin akong tumatawa nang malakas. 


I was left with a big smile on my face. Kulang na lang yata'y mapunit na ang bibig ko sa sobrang lawak ng ngiting iyon. I did not expect myself to be this happy nang dahil kay Yuji. But he has this sense of humour na ngayon ko lang na-appreciate. 


Maya-maya pa ay nagring ulit ang aking cellphone. Napailing na lang ako dahil wala yata talagang magawa si Yuji nang ganitong oras kaya't tawag nang tawag sa akin.


"Gabing-gabi na Yuji. Matulog ka na kasi." tumatawa kong sabi dito. Nagtaka ako dahil wala akong narinig na tawa mula sa kabilang linya at ang tagal bago ito sumagot.


"So, kaya pala hindi kita matawagan kanina. It was Yuji, right?" hindi ko alam pero parang nakonsensya ako nang si Matt ang marinig ko. Pero wala naman akong ginagawang mali, hindi ba? Wala rin naman kaming relasyon ni Matt kaya hindi naman mali na may kausap akong iba. Besides, Yuji is just a friend.


"H-he just checked if our paper is already done." paliwanag ko dito. Hindi ko maintindihan kung bakit may iba akong naramdaman sa dibdib ko at alam kong hindi ko naman dapat maramdaman 'yun.


"Don't mind me. I just called to check if you're doing fine and I think you are. Have a good night sleep." tuloy-tuloy na sabi nito. Hindi niya na ako hinintay na magsalita pa at ibinaba na kaagad ang tawag na iyon.

Mahal Kita Pero (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon