"During my vacation, bumibisita ako sa foundation na lagi nating pinupuntahan noon hoping to see you pero ayos na rin palang hindi mo ako nakita that time. Sobrang layo ng hitsura ko sa mayabang na Yuji na kilala mo. Baka maawa ka kasi I almost looked as if I am dying pero totoo naman. Even my doctor was surprised to see how fast my recovery has been. Siguro ganoon talaga kasi I always look forward for the day na magkikita ulit tayo kaya pati katawan ko, naki-cooperate na sa paggaling." Kwento niya tungkol sa pinagdaanan nya.
"That explains bakit na nakasuot ng bonnet sa pictures." I said remembering his looks na nakita ko when we were doing our thesis.
"And jacket." He added. "Namatay mga ugat ko dahil sa dami ng turok sa akin para lang gumaling ako. Pati ako, naawa sa sarili ko. But I was thankful kasi gumaling talaga ako dahil sa kaka-chemo."
"Sobrang tapang mo."
"I needed to kasi sabi ko sa sarili ko, babalikan pa kita." Hindi ko na napigilan ang sarili ko pagkatapos noon at hinawakan ang isa nyang kamay na wala sa manibela.
"Yuji, may sasabihin din ako."
"Mmm?" He answered to let me know that he is listening.
"Hindi ko rin alam paano. Hindi ko alam kung bakit pero mas lalo lang lumalim ngayong narinig ko sa 'yo lahat." Before telling him, I grasped for air to relax myself. "I think I have fallen in love with you. I tried to shrug this off but I can't help it." I admitted.
"Enzo, trust me, I would love to accept that. I'm really happy kasi may pag-asa pala tayo." With his tone right now, I feel like a bad news is coming up. "Remember, I told you na baka hindi na ako bumalik sa Pilipinas kasi babalik na ako sa Japan."
"Yuji, we can work things out. If you want, I can work in Japan in the future just to be with you kung kailangan mo talagang magmanage ng business niyo." My voice raised but I don't care. All I want right now is to make him feel that I want this to work out. I want to fight for him knowing that the feeling is mutual.
"But I won't be there for the business." Once again, his tears fell from his eyes.
"What do you mean?"
"Enzo, my cancer cells were revived. Hindi ko rin alam paano pero nasabihan na ako dati na may posibilidad ngang mangyari 'to. And this time, mas malala na." Napahagulgol siya dahil doon at hindi ko na rin napigilang mapaiyak.
"Then, have another chemo." I suggested.
"Mahina na ang katawan ko, Enzo. I've been through a lot of chemotheraphies already and ang sabi ng doctor, mahihirapan na daw gamutin."
"Anong pwedeng gawin?"
"I might undergo cryosurgery pero walang assurance na gagaling ako."
"No assurance is still better than nothing at all. If you want, I can go with you. I can stop my schooling if I need to just to be with you."
"No, Enzo. Don't do that. You don't have to."
"But I want to." Pagpupumilit ko.
"Ayaw kong isakripisyo mo ang future mo para sa akin na walang kasiguraduhan kung aabot pa sa future mo."
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero (BoyxBoy)
Teen FictionMaraming rason para masabi nating tayo ay umiibig. Maraming rason para masabi nating siya na nga si the one. But sometimes, there is also a reason why we don't want to love even though we can already feel it. 'Yung tipong ramdam mo na sa puso mong...