Chapter 17

2K 73 0
                                    

"Alam niyo ba, sabi ng kuya ko, may thesis na daw kaagad tayo kahit first year pa lang." kwento ni Den sa amin habang kumakain kami. Nakikinig lang ako sa kanila dahil hindi naman talaga ako sanay makipag-usap sa mga taong hindi ko pa naman gaanong kaclose.


"Legit? Nakakaloka ah. Totoo nga yatang hell 'yung napasukan natin." nagtawanan kaming lahat dahil sa reaksiyon ni Justine dahil umarte pa ito na parang hinahawi ang bangs kahit wala naman. And with that 'hell' thing, napakadaming nagsabing hell daw talaga ang napasukan namin.


"By pair pa daw tapos kung sinong magkatabi, sila pa 'yung magkapares." my eyes instantly widened with what I've heard from Den. 


"Are you serious?" I really can't believe that. Ibig sabihin, si Yuji ang magiging kapartner ko sa project na iyon and I really don't like to be associated with him because he is just so annoying.


"Totoo ate girl. Ang swerte mo kaya." kitang-kita na naiinggit si Den sa sitwasyon ko. I can't understand kung bakit parang Diyos ang tingin ng mga tao kay Yuji. Oo, aaminin ko namang gwapo kasi talaga siya but that is the only thing positive about him. Everything else is already negative.


"You know what? He's a monster. I'm telling you, he's a demon. 'Wag niyo akong kainggitan kasi sa totoo lang, sobrang kawawa ako kung siya talaga ang magiging partner ko." tuloy-tuloy na sabi ko para makilala nila si Yuji. I want them to understand that he is not someone to admire because he has that negative vibes.


"He's handsome. He has that face na luluhuran ko para lang maging akin. Tapos ikaw, ayan na sa harap mo, i-eelbow mo pa?" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Justine. Well, aside from that 'handsome' thing and that 'luluhuran' thing, I was really curious about that 'elbow' term.


"Elbow?" I asked to answer my curiosity.


"Chupi! Ganern." si Den na ang sumagot dito. Napailing na lang ako dahil sa lawak ng vocabulary nilang dalawa. And now that I understand, I want to tell them kung bakit ine-elbow ko ang lalaking gusto nila.


"I'm telling you, it's not good to be with him. Just wait for a month, baka magkaroon na naman ng scandal 'yan." Speaking of scandal, medyo matagal na rin kasi noong huling beses siyang gumawa ng gulo. And I won't be surprised kung bukas lang eh may scandal na naman siya.


"Scandal?" gulat at sabay na sabi nilang dalawa. Medyo nangingiti si Justine nang marinig iyon at doon pa lang ay parang alam ko na kung ano ang iniisip niya.


"No. Scandal. I mean, gulo or what. Ganon na scandal." paglilinaw ko sa kanila.


"Ano ba 'yan! Umasa na akong makikita ko ang future eh." binatukan ni Den si Justine dahil sa sinabi nito.


"Ikaw na bakla ka! Kung ano-ano kasing pinag-iisip mo." sita ni Den dito na parang nanay na pinapagalitan ang anak dahil may maling ginawa.


"Bakit? Charotera ka. Kunwari hindi mo bet pero inimagine mo rin naman." sagot ni Justine dito na ikinatawa naming lahat.


"Teka nga, baka dumating na next prof natin. Tara na?" napatingin ako sa oras at nakitang malapit na nga ang aming sunod na klase.


"Tara na."


Tumayo na kami at paglingon ko, nakita kong katabi lang pala namin ng lamesa sila Yuji.


Author's Note: Sorry for taking too long and for the short update.

Mahal Kita Pero (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon