Hindi ko na namalayang nakabalik na pala si Yuji sa kwarto namin. Ang bigat sa puso na nakakasakit ka ng tao pero mas mabigat sa puso kasi alam mong hindi niya deserve na masaktan nang ganito.
"Hey, love? Why are you crying?" Nagmamadali siyang lumapit sa akin pagkapasok pa lang niya ng pintuan.
"Ang hirap kasi, e. Mahal na mahal ko si Matthew pero hindi kasi sa paraang gusto niya."
"Hindi naman natin siya masisisi, love. Hinintay niya na magustuhan mo siya at umasa siyang darating sa puntong iyon pero iba 'yung nangyari. Hindi mo rin naman kasalanan kasi tao ka lang, love. Nagmamahal ka lang ng taong dinidikta ng puso mo kaya hindi mo kasalanan kung hindi mo kayang ibalik 'yung nararamdaman niya."
"Hindi deserve ni Matthew na masaktan." Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko dahil ang bigat na talaga sa loob.
"Pero deserve mo bang maguilty dahil hindi mo kayang diktahan 'yung puso mo?" I was silenced by that question. He's making a point, honestly. Pero alam kong mas hindi kasi deserve ng bestfriend kong masaktan.
Hindi ako nakasagot sa tanong na iyon. Ano bang dapat gawin sa ganitong sitwasyon? Hintayin ko na lang bang matanggap ni Matthew na hanggang dito na lang talaga? O iwasan ko na rin si Yuji dahil lang nasasaktan ko pa lalo si Matthew?
Parang ayaw kong piliin 'yung pangalawa. Hinding-hindi ko iiwasan si Yuji kahit iyon na lang ang mukhang tamang gawin.
"You can talk to him pag-uwi natin. For now, you need this vacation to unwind." He kissed my forehead as if telling me that everything will be okay for as long as he is here with me.
"Thank you for being here with me, Yuji. Sobrang laking tulong." Niyakap ko siya nang mahigpit pagkasabi ko noon.
"Love, ano 'yon?" He curiously asked pointing at the paper where I wrote my poem for him.
Pipigilan ko sana siya upang hindi niya mabasa ngunit nakatayo na siya at kinuha ang papel kaya wala na akong nagawa.
"Years gone, you're still the same
Under the flickering lights, you came
Jam of that night started to be unheard
In your presence, you annoyed this nerd" He started reading the poem. Kulang na lang ay takpan ko ng unan ang mukha ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko. "This is Matthew's birthday, right?" I shyly nodded as an answer."Magical... that's the word
I never thought I'll release my sword
Tried to brush these feelings away
Surrendered and allowed our hands to sway
Usual self was lost and started to drown
Starting from now, treat me as your own
Unknown may be what our future brings
Remember that I'm already looking forward for our rings
Our love will last even if our lives won't" I was shocked when he started to tear up because of the poem that I have written."Love, sobrang napasaya mo ako dahil dito." Aniya sabay punas ng luha sa kanyang mata. "And every first letter formed my name, love. Sobrang galing mong magsulat."
"I love you." Iyan na lang ang naisagot ko sabay lapit sa kanya upang halikan siya sa labi.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero (BoyxBoy)
Teen FictionMaraming rason para masabi nating tayo ay umiibig. Maraming rason para masabi nating siya na nga si the one. But sometimes, there is also a reason why we don't want to love even though we can already feel it. 'Yung tipong ramdam mo na sa puso mong...