"Wait!" Pigil ko kay Yuji na magdadrive na sana.
"May naiwan ka?"
"May kukunin lang sa likod. Nakalimutan ko." I explained before going down to get the neck pillows that I bought for the two of us. "Just in case lang na antukin ako sa byahe. And here, for you."
"Wow. Thank you. Bakit naman may pa-regalo kang ganito?"
"Kasi aalis ka na." I answered. Bigla na lang siyang tumawa as if I jokingly said that but I was serious.
But I guess it's better that way so we won't have any drama during our travel time.
"Pagdating natin, you need to try the specialty in Batangas." Pag-iiba niya ng usapan.
"Ano bang specialty ng Batangas?" I asked.
"Ako." I immediately raised my eyebrow after he said that.
"Hindi naman pala masarap." I joked.
"Hindi mo pa nga natitikman." Nagtaas baba ang dalawang kilay niya
"So, ano ngang specialty ng Batangas?" I asked to change the topic again.
"Natututo ka nang maging joker, a." He said and laugh again. "Masarap lomi sa Batangas."
"Lomi? 'Yan ba 'yung kinakain nila Den tuwing gabi?" I curiously asked because it really sounds familiar. Feeling ko, narinig ko na kila Den.
"Mami 'yon. Bihira ka lang makakakita ng lomi sa Manila kasi sa Batangas talaga sya sikat." He explained.
"I can't wait. Siguraduhin mong masarap 'yan, a."
"Kung hindi mo magustuhan, nandon naman ako."
"Tama. Kainin mo na lang if hindi ko maubos." I agreed on what he said.
"Kasi nga masarap din ako." He surrendered.
"Kung magjojoke ka, i-inform mo nga muna ako para naman masuportahan kita sa jokes mo." Kunot-noo kong sabi sa kanya kasi hindi talaga ako makasunod sa kanya.
"So hindi na joke 'yon?" He really sounded as if he is now surrendering on the joking side of me. Hindi naman kasi talaga ako sanay na nagjojoke. Even with Matt, siya madalas magjoke kasi wala talaga akong sense of humor. Hindi ko nga rin alam bakit ako pinagtitiyagaan nila Den at Justine kahit madalas akong hindi makasunod sa jokes nila.
But once again, I dared to change our topic. "Pero Yuji, sobrang lala ng pinagbago mo 'no?"
"What do you mean?"
"Sobraing bait mo na kasi ngayon talaga. Ibang-iba sa nakilala at nakita kong Yuji dati."
"I told you, I have my reasons." He answered with that line again. "Ganoon ba talaga kasama tingin mo sa akin noon?"
"Oo." I honestly answered. "Kasi when we were younger, nakikipag-away ka na. I can clearly remember that we were three years old back then nang sinuntok mo 'yong kalaro natin just because of a toy gun. When we were five, pinunit mo 'yong damit ng kalaro natin just because of an ice cream. When we were seven, you started causing trouble kasi masama ang tingin nila sa 'yo. When we were ten, nakipag-away ka nang dahil lang sa biro sa 'yo. When we were twelve, nakipagbasag-ulo ka naman nang dahil sa DOTA. When we were fourteen, you almost killed someone because of one prank. Now tell me, sinong hindi sasama ang tingin sa 'yo?" I stated based on what I can remember.
"Sobrang detailed, Enzo." He sounded real sad when he said that kaya hindi ko napigilang tumingin sa kanya and I saw how sad his face is because of what I said. "Ganoon pala talaga kalala kaya hindi rin kita masisising natakot ka o nainis ka sa akin. But I told you, I have my reasons for doing that."
"But are your reasons valid enough para gawin lahat ng 'yon? Are your reasons valid enough para hayaan na lang ang mga taong maging masama ang tingin sa 'yo?" I asked curiously because I really can't get why he let his reasons ruin his image.
"In my heart, my reasons are all valid." He looked at me straight in the eye while saying that. "Do you really want to know my reasons?"
"Yes."
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero (BoyxBoy)
Teen FictionMaraming rason para masabi nating tayo ay umiibig. Maraming rason para masabi nating siya na nga si the one. But sometimes, there is also a reason why we don't want to love even though we can already feel it. 'Yung tipong ramdam mo na sa puso mong...