"Honestly, for a first draft paper, this one's really good already." our professor commented while reading our paper. She is calling every pair in front to check the paper and give comments on how to improve more. "The sentence construction is great. The information you put here is all important and what made it better is everything is really on point. I must say, this one's really close to perfection if it isn't." tinignan ko si Yuji pagkasabi noon at napangiti. I would admit na this is all because of him. He edited it well and really, what was written here is cohesive, concise and very informative.
He smiled back at me. Binalik naman kaagad sa amin ang paper at bumalik na kami sa upuan namin.
"Nice job, Yuji." puri ko dito nang makaupo na kami. He looked at me at napakunot noo siya habang nakangiti nang sabihin ko iyon.
"Nice job to us. It's not me alone." paglilinaw nito. Umiling ako dito nang sabihin niya iyon dahil siya naman talaga halos ang gumawa nito. Kalahati lang ang ginawa ko and those parts were actually just some easy parts.
"You have to give credit to where it is due. Seryoso, Yuji. Thank you." I insisted.
He knew na wala siyang magagawa kahit na ipilit pa niya kaya umiling na lang siya habang nakangiti pa rin.
"Fine." he answered. "Anyway, gusto mong kumain muna? Sayang 'yung time. I mean, sinabi naman ni ma'am na pwede na tayong magbreak after i-check 'yung paper. Besides, break din naman natin after this class so para tuloy-tuloy na." tuloy-tuloy na sabi niya kaya't natawa ako nang bahagya. I can see that he really tried his best para ipaliwanag 'yun and it's funny kasi gets ko naman siya pero pinahirapan pa niya 'yung sarili niya.
"Oo na." tumatawa kong sagot dito. "Gets kita, okay?" dagdag ko pa dito.
Kinuha ko na ang wallet ko at ang cellphone ko pagkasabi ko noon.
"Tara na. Sayang 'yung time." pabiro kong sabi dito at tumayo na. Pa-iling-iling naman siyang tumayo at sabay kaming lumabas ng classroom pagkatapos noon. Sakto namang pagkalabas namin ay lumabas din si Matthew ng classroom nila at nagtama ang mga mata namin. But he went forward. Mabilis siyang lumihis ng landas and I chose to disregard it.
"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Matthew habang naglalakad kami pababa.
"I can eat anything. Ikaw ba?" sagot ko naman dito. Madaming kainan sa baba and really, I can eat anywhere.
"Well, kahit ano rin. Ikaw bahala." sagot nito pabalik at halos masapo ko ang ulo ko dahil binalik niya lang sa akin.
"Kahit Mcdo ulit?" tanong ko dito dahil halos araw-araw kaming sa Mcdo kumakain.
"Okay lang. Kahit na doon mo ako tinawag na monster." napatingin ako dito dahil boses pa lang niya, alam kong pabiro siyang nagpaawa kaya't mahina ko siyang hinampas sa braso.
"Because that time, hindi pa naman tayo friends. Besides, monster pa rin naman tingin ko sa 'yo kasi lagi kang nakikipag-away." paliwanag ko dito. Pero kapag naaalala ko ang araw na 'yun, hindi ko mapigilang matawa dahil aaminin ko, that time, I was really stupid.
"So, friends na pala tayo?" tanong nito sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Ano ba? Araw-araw mo akong kasabay kumain, katabi kita sa klase, partners tayo sa thesis, and you're a good person and you think na hindi pa kaibigan turing ko sa 'yo?" sagot ko naman dito while sighting the reasons kung bakit ko siya ginawang kaibigan.
"Kaya pala hindi ka na masungit sa akin. Slight na lang." pabirong sabi nito kaya nahampas ko ulit siya sa braso sabay tawa dahil tama naman siya. Ang sungit ko sa kanya noon pero nabawasan na ngayon.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero (BoyxBoy)
Teen FictionMaraming rason para masabi nating tayo ay umiibig. Maraming rason para masabi nating siya na nga si the one. But sometimes, there is also a reason why we don't want to love even though we can already feel it. 'Yung tipong ramdam mo na sa puso mong...