Chapter 26

1.8K 63 0
                                    

Nang sa wakas ay matapos na ang exams namin, bumalik na naman kami sa dati. Madami na kaming nagagawa ni Yuji pagdating sa thesis namin at alam kong malapit na kaming matapos once na nagawa na namin ang interview.


"Kailan available 'yong tito mo?" tanong ko kay Yuji habang kumakain kaming dalawa. Break namin ngayon at kailangan na naming pag-usapan ang tungkol sa interview na kinakailangan naming gawin para matapos na ang thesis namin.


"Day off niya every Sundays so I suggest na gawin na lang natin ang interview this coming Sunday." sagot nito habang ngumunguya ng pagkain niya.


"Okay." maiksing tugon ko rito sabay subo ng pagkain. "Siya nga pala, ako nang bahala sa interview questions pero kung may maiisip ka ring itanong, don't hesitate to tell me." dagdag ko.


"Sure. I'll hit you up once na may naisip akong itanong." sagot niya sa akin at ipinagpatuloy na ang pagkain.


Wala nang nagsalita pagkatapos noon. Pinagpatuloy lang namin ang pagkain hanggang sa parehas kaming matapos na. Sobrang nakasanayan na naming dalawa na lagi kaming magkasama. Nakakatawang isipin na dati lang ay naiinis pa ako sa presensiya niya kaya hindi ko inakalang aabot kami sa ganitong punto na magkasabay na kaming kumain araw-araw at lagi pang magkasama.


"Natulala ka yata?" tanong nito nang mapansing nakatitig lang ako sa kanya.


"Ang funny lang kasi na hindi ko talaga inexpect na aabot tayo sa ganitong point na sabay na tayong kakain araw-araw tapos lagi pa tayong magkasama. E, dati lang, naiinis pa ako sa 'yo." pagpapaliwanag ko dito sabay tawa.


"Masyado mo kasi akong jinudge, e." pabirong sabi nito sabay iiling iling pa na parang sinisisi nga ako.


"Oy! Ikaw kaya may kasalanan. Lagi kang nakikipag-away noon kaya ayaw ng mga tao sa 'yo." 


"I told you, I have my reasons. Besides, may mga babae kayang lalong na-fall sa akin noon." pagyayabang nito pero totoo namang may babaeng lalo pa siyang nagustuhan dahil sa pakikipag-away niya lagi.


But instead of reacting to that, mas natuon ang atensiyon ko sa sinabi niyang may rason siya. Matagal na rin naman simula noong nagkasama kami kaya sa tingin ko, pwede ko nang malaman ang mga rason niya.


"Ano ba kasing mga rason mo?" seryoso kong tanong dito.


"I saw your email address in your Facebook account. Doon ko sinabi lahat but I doubt na mabubuksan mo pa 'yon." hindi ako makapaniwala sa sinabi nito.


"What? E, ang tagal ko nang hindi ginagamit 'yon. Besides, iba nang email 'yong gamit ko ngayon. Nakalimutan ko na password noon." tuloy-tuloy na reklamo ko dito.


"That's it. I know na hindi mo na ginagamit 'yon since bata pa tayo nang huli mong binuksan 'yon." sagot niya sa akin.


"Alam mo, ang daya-daya mo. Sabihin mo na kasi ngayon, please." pagpipilit ko dito. Alam kong hindi ko na malalaman 'yon kung sakaling hindi niya sabihin sa akin dahil hindi ko na talaga nabubuksan 'yong email ko dati pa.


"Sinabi ko na sa email. Alalahanin mo 'yong password mo. Kaya mo 'yan." napanguso na lang ako dahil alam kong hindi ko na siya makukulit pa tungkol doon. 

Mahal Kita Pero (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon