Today, I am going to shop for things that I will be needing for our Batangas trip. Good thing that Den and Justine agreed to join so that we can bond as well because Matt couldn't go with me right now and I understand why naman.
"Mom, my friends and I decided to go to Batangas tomorrow. I'll come back Monday night." Paalam ko bago sila tuluyang makalabas ng pinto. As always, rushing their way out of this house for a business meeting.
I received a text coming from Justine after that.
'Papunta na kami ni Den :) See yah!'
Pagkabasa ko noon ay nagmadali na akong umakyat sa kwarto ko upang mag-ayos. I guess it would only take 20 mins before they arrive here at our house.
After I finished dressing up, kinuha ko lang ang wallet at cellphone ko at saka bumaba. Pagkababa ko ay nakita ko kaagad silang nakatayo lang sa may pinto habang naghihintay.
"Bakit hindi kayo pumapasok?" nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Beshie girl, nakakatakot pumasok. Baka makagasgas kami ng gamit ninyo." Hindi ko alam kung nagbibiro lang si Den sa sinabi niya pero natawa na lang ako.
"It's fine. Ako lang naman madalas tao dito pati sila manang so no worries." Nilapitan ko sila at hinila papunta sa upuan. "Feel at home. Si Matt nga umaakyat na lang basta sa kwarto ko." Kwento ko sa kanila.
"Ganern talaga kayo ka-close ni Papi Matt, 'no?" Justine realized. "Si Yuji rin ba?" he asked.
"It's the other way around. Ako 'yung nagpupunta sa bahay niya and pumapasok na lang basta. If I am not mistaken, grade 6 pa huling nakapunta si Yuji dito." After that, mas lalo silang naging interesado sa kwento naming tatlo.
"Pero 'di ba, parang hate na hate mo siya dati? Sinabi mo pa ngang monster siya so I really expected na buong sem kayong mag-aaway. Actually, nagulat nga ako na okay na kayo." I felt like I was on the hot seat. It feels awkward but I think I love this awkward. I want to tell my story. Unfair naman if sila lang laging nagkkwento sa akin.
"I really do. But thanks to thesis, mas nakilala ko siya. I mean, I really don't know him completely. Maraming bagay pa akong hindi alam but I guess I know him enough now para mawala 'yung hate na nararamdaman ko dati." I explained.
"Bakit ba sobrang hate mo siya? Binully ka siguro niya." Justine speculated.
"Nope." I sort of defended Yuji. "But he was a bully. Magkakilala na kami ever since we were in preschool and since then, kilala na siyang bully. And he almost killed somebody that's why I hated him so much. Kahit hindi ko siya nakita buong high school life ko dahil nagmigrate siya sa Japan, dala-dala ko pa rin 'yung image niyang killer. That's why when he came back and start to tease me during Matt's birthday, I couldn't help but to hate him even more kahit ang bait niya sa akin dati."
"Feel ko, hindi mo siya hate." Pagkontra sa akin ni Den. "Feel ko, natakot ka na sa kanya kasi sabi mo nga, muntik na siyang makapatay. And right now, I guess hindi sa hindi mo na siya hate. Feeling ko lang, nakikita mo na kasi ulit sa kanya 'yung mabait na side niya na ipinakita niya sa 'yo noon so medyo nawala 'yung takot mo sa kaya niyang gawin."
To be honest, she made sense. Everything that Den said right now could possibly be the reason why everything changed suddenly.
"O baka naman nagkagusto ka na sa kanya kaya nagbago na lang bigla."

BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero (BoyxBoy)
Fiksi RemajaMaraming rason para masabi nating tayo ay umiibig. Maraming rason para masabi nating siya na nga si the one. But sometimes, there is also a reason why we don't want to love even though we can already feel it. 'Yung tipong ramdam mo na sa puso mong...