Chapter 50

2.1K 46 13
                                    

Tahimik lang kami buong biyahe. Diretso na kami papuntang airport para maihatid ko naman si Yuji kahit papaano.

Ngayon pa lang, aaminin ko nang sobrang lungkot. Ilang araw lang kaming nagkasama pero pakiramdam ko'y buong buhay ko na ang mawawala kapag gumising ako bukas na wala na siya sa tabi ko. Kapag kakain ako, mag-isa na lang ulit ako dahil paniguradong wala na naman sila mommy. Babalik na naman ako sa dati at pakiramdam ko, hindi na ako 'yon.

Yuji changed me.

Sobrang nasanay na akong nandiyan lang siya palagi na kapag lilingon ako, sigurado akong malapit lang siya. Hindi ko alam paano ko kakayanin ang maraming bukas na hindi ko siya nakikita.

"Nalulungkot ako kasi alam kong nalulungkot ka." He said all of a sudden.

"Can you blame me, Yuji? Ayaw kong wala ka sa tabi ko." I answered.

"I'll fight for you, my love. If I need to fight harder, I will. Ganoon kita kamahal kaya wag ka nang malungkot, please."

"Bakit mo kasi ako sinanay na ganito? Parang ibang tao na ako, Yuji. Kung tutuusin, normal naman sana ang buhay ko pagbalik pero pakiramdam ko, lahat magbabago na." I ranted. Hindi niya naman kasalanan talaga pero ewan kung bakit ganito ang lumalabas sa bibig ko ngayon.

"I will always check upon you, my love. Kung kailangang tawagan kita kada oras, ayos lang sa akin. I would gladly do so." There is something about Yuji's voice that can comfort everything in me. Ganoon yata talaga kapag nagmahal ka.

"This is the reason why I will miss you so much, Yuji. Walang ibang taong kaya akong alagaan the way you do."

"I know someone, Enzo." Napatingin ako sa kanya dahil doon. Anong ibig niyang sabihin doon?

"Ha?" I curiously asked. Baka namali lang ako ng dinig pero bakit nalungkot ako dahil parang pinamigay niya na ako sa iba kahit wala pa man?

"Matthew cares about you. He will care for you habang wala ako." I checked if he was joking but there is no trace of joke on his face.

"Galit pa 'yon, Yuji. I'll talk to him personally para maayos namin lahat pero walang assurance na same treatment pa rin sa dati."

"Trust me, my love. He loves you so much kaya paniguradong tatanggapin ka niya ulit." I just smiled bitterly after he said that. Wala namang kasiguraduhan sa sinabi niyang iyon. Pero sana nga. Sana maayos pa.

We remained quiet hanggang sa nakarating na kaming dalawa sa airport. Unti-unti na namang bumibigat ang pakiramdam ko dahil malapit niya na akong iwan.

"Look." Bago kami bumaba ng sasakyan ay may tinuro siya sa akin and to my surprise, it was Matt.

Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan para lapitan sana si Matthew pero imbis na ako ang lumapit ay patakbo rin niya akong sinalubong.

"Sorry." Sabay naming sabi sa isa't-isa kaya nagtawanan kaming pareho.

"Napakaimmature ko. Sana best friend pa rin ang turing mo sa akin." He shyly smiled at me. Kinakapa pa siguro niya kung anong magiging reaksyon ko.

"Wala naman akong ibang best friend maliban sa 'yo. But seriously, sobrang saya ko kasi ayos na tayo." Muli ko siyang niyakap pagkasabi ko noon.

"Yuji made me realize everything. Buti na lang mahal ka niyan." He tried to joke pero alam kong masakit pa rin sa kanya.

"Mahal niyo akong pareho. Mahal ko kayong dalawa. Swerte ako kasi dalawa kayong nasa buhay ko."

"Alam mo, ang drama natin. Hindi ako sanay. Ihatid na lang natin sa loob si Yuji." Nagtawanan kaming dalawa pagkasabi niya noon at doon ko lang narealize na naiwan ko nga pala si Yuji.

Tinulungan namin si Yuji sa mga bagahe niya. Sabay-sabay kaming naglakad at nagkukwentuhan silang dalawa na para bang walang nangyari sa pagitan naming tatlo.

But as we approach our destination, nalungkot na naman ako dahil malapit na akong iwan ni Yuji.

"Matthew, alagaan mo si Enzo, ha? Papakasalan ko pa 'yan." Bilin ni Yuji.

"Gago ka talaga." Patawang sagot nito.

"And you, my love, always take care of yourself. Mamahalin pa kita." Hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan siya.

Walang salitang lumabas sa bibig ko ngunit ang mga luha sa mata ko ang naging sagot sa sinabi niya.

Maghihintay ako kahit walang kasiguraduhan ang pagbabalik mo.

THE END

Mahal Kita Pero (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon