Everything went back to normal pagkagaling ni Yuji. Ayos na rin 'yong papers namin for thesis kaya wala na kaming dapat problemahin.
"Hindi ko talaga alam why I suck big time when it comes to this subject." halatang inis na inis na si Matt habang nag-aaral ng Algebra. Mababa ang nakuha niyang prelim grade doon kaya kailangan niyang habulin ang grades niya ngayong finals at bukas lang ay quiz na nila sa Algebra.
"Need some help?" tanong ko rito. Nabasa ko naman na kung ano ang inaaral niya ngayon kaya may maituturo na ako sa kanya kahit papaano.
"Hindi na. Nilabas ko lang 'yong frustrations ko." sagot nito at bumalik na sa pag-aaral. Bumalik naman ako sa pagbabasa ng novels. It has been a long time since I had the chance to touch my novels so I guess it's time to read them again.
"Enzo, I'm already done with the interview pala. I'll give you the answers tapos tulong tayo sa paggawa ng paper please." Sabi naman ni Yuji.
"Ako na lang gagawa. Ikaw na nga 'tong nag-interview, gagawa ka pa ng paper? Leave it to me."
"Kabogera. Buti pa sila nag-aagawan sa paggawa ng paper. Tayo, nagtuturuan pa kung sino." Pabirong sabi ni Den sa kapartner na si Justine.
"Bakla ka kasi! Sabi ko i-overnight na natin, diber?" Sagot naman ni Justine dito.
"Do you guys need some help? Kasi si Enzo naman na daw gagawa ng amin so I can help you na." Pagpiprisinta ni Yuji sa dalawa. Hindi maiwasang kiligin ni Justine dahil hanggang ngayo'y crush na crush pa rin niya si Yuji. Hindi ko naman siya masisisi kasi kagusto-gusto naman talaga siya. Binabawi ko lahat ng sinabi kong masama tungkol sa kanya noon.
"Kilig naman si gaga. Hoy, bakla ka! Unahin natin 'yung paper natin bago 'yang kakyondian mo." Suway ni Den dito.
"Ay? May batas na bawal kiligin? Kontra bida ka talaga of my life. Is the Cassie, im peyk!" Napakunot na lang ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Who's Cassie? Kaklase ba namin 'yon? And what is im peyk? Minsan talaga, hindi na ako nakakasunod sa lokohan ng dalawa dahil hindi ko maintindihan saan nanggagaling 'yung mga sinasabi nila.
"Cassie, hindi ka muna papasok ng iskul. Go to your room, Marga!" Lalo ko nang hindi naintindihan saan nanggaling ang sinabi niyang iyon. And now, who the heck is Marga?
"Guys, what the heck are you talking about?" Hindi ko na napigilang itanong.
"I'ms talking about is the people! Ni-rapist ang nanay ko!" Now, I'm getting a hint of what they are trying to do. I guess they are mimicking something that only the two of them could relate to.
"Bakla nagrambol rambol na linyahan natin. Tama na." Nagtawanan silang dalawa pagkatapos noon and there, I confirmed na hindi lang ako ang hindi makasunod sa sinasabi nila. Napatigil ding mag-aral si Matthew at Yuji dahil sa kalokohan ng dalawa.
"Napakaserious naman kasi ng mga 'to. Ano mga bakla, nagpapaka-scholar kayo?" Biro ni Justine sa amin.
"Nope. I can pay my tuition." Depensa ni Yuji dito kaya nagtawanan kaming tatlo. Dahil lagi kong kasama sila Den at Justine recently, naintindihan ko ang biro nila sa dalawa which I guess hindi nila na-gets.
"Gosh, get a life! Sobrang serious niyo sa buhay. Wala ba kayong alam na jokes?"
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero (BoyxBoy)
Fiksi RemajaMaraming rason para masabi nating tayo ay umiibig. Maraming rason para masabi nating siya na nga si the one. But sometimes, there is also a reason why we don't want to love even though we can already feel it. 'Yung tipong ramdam mo na sa puso mong...