It was indeed a nice Sunday for me. Nagising ako nang maaga and as usual, Matthew is waiting for me at our house's lobby.
"Good morning best" he greeted me with a smile so I smiled back at him.
"Good morning. So, are you ready? May dala ka bang mga libro diyan?" I asked him as I walk going to the kitchen. Alam ko namang sumunod siya dahil this is our usual routine every Sunday.
"Yung Math lang. You know, I suck big time when it comes to that subject" I don't know but what he told me made me laugh. It's really ridiculous. Imagine having a 56% preliminary grade where the passing grade is 70%? It is really awful. But I am a friend of him so it turned out funny for me.
Nakakatawa naman kasi diba? 56 percent.
"Ayan ka na naman, tinatawanan mo nanaman yung grade ko. I swear, babawi ako this finals" determinadong sabi niya sa akin.
"Alam ko naman yun. But come to think how funny that event is. Bumagsak ka sa Math." sabi ko sa kanya at tumawa ulit. Ang babaw ng kaligayahan ko pagdating sa mga ganito.
It's not that I love seeing people failing. But it's just funny.
"Tara na nga. Bilisan na nating kumain at nang makapag-aral na sa Math na to nang makapasa" he irritatedly said which made me chuckle.
Just like what he said, nagmadali kaming kumain at pumwesto na sa studying area para mag-aral.
I guided him while reviewing. I keep on telling him what are the do's and don't's in Math.
"Wait, hindi mo pwedeng i-cancel yan that way. Kapag may operation in between the terms in the numerator, kunin mo muna yung common monomial nila at yung common monomial lang nila yung pwede mong i-cancel sa denominator" paliwanag ko sa kanya nang mapansin kong mali ang ginagawa niya.
Ginawa niya ang sinabi ko at matapos iyon ay nagsagot pa siya nang nagsagot ng ibang problem.
"Hindi naman lalabas lahat ng 'to eh" reklamo niya nang mahirap na ang ipasagot ko sa kanya.
"You need this. Hindi man lumabas 'to, at least alam mo kung paano." I heard him sighed but he continued answering this.
Marami-rami pa siyang nasagutan bago may tumawag sa kanya.
"Hello?" he answered.
I looked at him at mukhang tapos nang magsalita ang kausap niya at pinatayan siya ng tawag.
"May lakad pala ako" sabi niya sa akin.
"Eh? Akala ko ba babawi ka?" tanong ko sa kanya.
"Promise, bago mag-exam bukas, mag-aaral ako" sabi niya at tumayo na para iwan ako.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero (BoyxBoy)
Teen FictionMaraming rason para masabi nating tayo ay umiibig. Maraming rason para masabi nating siya na nga si the one. But sometimes, there is also a reason why we don't want to love even though we can already feel it. 'Yung tipong ramdam mo na sa puso mong...