Chapter 25

1.8K 64 1
                                    

Na-late kami ni Matt kaya hindi na kami pumasok pa. Sabay kaming gumawa ng letter para ipakita mamaya kung bakit kami na-late at upang payagan kaming mag-exam.


"Enzo, sa tingin mo okay na 'to?" tanong niya sabay abot ng letter na ginawa niya. Binasa ko naman 'yon at nakitang okay naman.


"Oo." sagot ko rito. "Bakit naman kasi inabutan pa tayo nang sobrang traffic, e?" reklamo ko. Kung hindi sana kami inabutan ng traffic ay makakahabol pa sana kami sa exam kahit 45 minutes man lang kaso dumating kami nang 7:30 kaya napakalabo nang matapos pa namin ang exam. 


"Well, at least we have the whole hour for our exam later." he stated looking at the positive side. Hopefully, payagan kami. I believe that our reason is valid so I guess, they have no choice but to allow us.


"Tara na, Matt. Ipasa na natin 'yung letter para makapag-exam na tayo at makapag-aral pa for the next exam tomorrow." yaya ko dito sabay tayo na. Tumayo na rin naman siya pagkatapos noon at nagsimula na kaming maglakad papunta sa dean's office.


----------


Marami-rami kaming kumuha ng exam. Kagaya ng dati, maaga akong natapos mag-exam at ganoon din naman si Matt dahil madali lang ang exam naming iyon.


"Gusto mong kumain muna?" tanong nito. 


"Sige, pero ilagay muna natin sa library 'yong mga gamit natin para may maupuan tayo mamaya." sagot ko naman dito. Dahil exam week ngayon, siguradong punuan sa library at mahihirapan kaming maghanap ng mauupuan mamaya.


"Sige. Saang floor pala tayo? Ikaw may alam niyan kasi ikaw naman laging nasa library, e." tanong nito. Napailing na lang ako dahil hanggang ngayon pala ay hindi pa siya laging nag-aaral sa library.


"Kailangan mong maging familiar sa lib. Masyadong mahirap ang course natin para magpa-easy-easy ka lang." sita ko dito.


"Oo naman. Takot ko lang sa 'yo." biro nito kaya hinampas ko siya nang mahina sa may braso.


"Sira ka talaga. Tara na." 


---------


"Strawberry shake for Enzo and Matt." natawa ako nang ilapag ni Matt ang shake na binili niya para sa aming dalawa. 


"Baka matuwa sila sa 'yo tapos kunin kang waiter dito." biro ko sa kanya. I'm pretty sure na maraming matutuwang mga babae dahil sobrang gwapo naman talaga ni Matt.


"Tapos trending agad ako. Tatawagin nila akong Shake Man." pagsakay nito sa biro ko sabay flex ng mga braso upang ipakita ang muscles niya kaya natawa ako lalo.


"Sisikat ka. Hindi mo na ako papansinin niyan."


"Ay. Ayan naman ang hindi mangyayari." naging seryoso bigla ang tono niya nang sabihin iyon. 


"Anong hindi? Tatlong buwan mo akong hindi pinansin, a." pagkontra ko sa sinabi niya.


"Sorry." ayan na lang ang nasabi niya. Kitang-kita sa mga mata niyang nakokonsensya siya dahil hindi niya ako pinansin nang sobrang tagal.


"Pero 'yong totoo, bakit mo nga ako hindi pinansin?" I asked curiously. Bigla na lang kasi niya akong hindi pinansin kaya sobrang nagtaka ako kung bakit. Nalungkot ako kasi sobrang close naming dalawa tapos hindi na lang niya ako biglang papansinin.


"Kasi nagseselos ako kay Yuji. Nagseselos ako sa inyo."

Mahal Kita Pero (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon