"Was it good?" tanong ni Yuji pagkalapag niya ng gitara.
"A-alin?" wala sa sarili kong sagot dito. Nataranta talaga ako nang makita niyang napapanood ko siya pero hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako dapat kabahan kasi in the first place, wala naman akong maling ginawa.
"The song. My voice. Was it good?" ulit nitong tanong.
"Mmm, oo." sagot ko rito.
"Bakit parang nag-isip ka pa?" pabiro nitong tanong sa akin sabay tawa. Bigla ko namang naalalang may lagnat siya ngayon kaya imbis na sagutin siya'y siya naman ang tinanong ko.
"Bakit ka nga pala nandito? Ayos ka na ba?" pag-iiba ko ng usapan sabay tumabi sa kanya.
"Masakit pa 'yung ulo ko pero ayos naman na ako." upang kumpirmahi'y idinampi ko ang kamay ko sa kanyang noo. Hindi na nga siya ganoon kainit kagaya kanina kaya siguro'y gumaan na talaga ang pakiramdam niya.
"Mabuti naman." maiksing sagot ko rito. Natahimik kaming dalawa pagkatapos noon na parehong nakatingin lang sa kawalan. Walang ni isang gusto magsalita kaya napatikhim ako. "Yuji, kahit magaling ka na, uminom ka pa rin ng gamot mamaya, ha?" pagpapaalala ko dito.
"Girlfriend?" pabirong sagot nito.
"Anong girlfriend pinagsasabi mo diyan? Ang mga kaibigan, concern din 'yan sa'yo." hindi na ako nagdalawang isip pang guluhin ang buhok niya pagkatapos noon.
"Alam mo, ang seryoso mo. I'm just returning the same joke na sinabi mo sa akin dati." napakunot ang noo ko dahil hindi ko na maalala ang sinasabi niya.
"Anong joke?"
"That night before first submission natin ng paper. When I called tapos akala mo ako si Matt." pagpapaliwanag niya habang tumatawa pa. Hindi ko man maalala kung paano ako nagjoke sa kanya, naaalala ko naman 'yung nangyaring 'yon kaya tumango ako sa kanya.
"Oh. Okay."
But above all, I focused on how he addressed me. He called me as a 'girlfriend'.
"Nakapag-aral ka na ba? Baka naman nakakaabala na ako sa'yo. Pwede mo na akong iwan kasi kaya ko naman na." seryosong sabi nito habang nakatingin uli sa kawalan.
"Are you making me leave?" pabirong tanong ko sa kanya.
"Hindi naman. Pero baka kasi may kailangan ka pang gawin." seryosong sagot nito.
"Boyfriend?" pagdagdag ko sa biro ko pa. Tumawa naman ito nang malakas sabay tumingin sa akin.
"Hindi ko alam kung ganyan ka ba talaga pero napakaunexpected nito base sa pagkakakilala ko sa'yo." naintindihan ko siya sa sinabi niyang iyon. Actually, if I was a different person, I would say the same. Ibang-iba ako ngayon kumpara sa kung ano talaga ako.
"Actually, ikaw din. Ibang-iba ka rin pala base sa pagkakakilala ko."
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero (BoyxBoy)
Teen FictionMaraming rason para masabi nating tayo ay umiibig. Maraming rason para masabi nating siya na nga si the one. But sometimes, there is also a reason why we don't want to love even though we can already feel it. 'Yung tipong ramdam mo na sa puso mong...