Of all the freaking times na malelate ako sa klase, ngayon pa talagang prelims exam. I couldn't help but to stare at my watch every moment na may dumadaang punong jeep at mga taxing may laman naman. Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit ngayon pa nasira ang sasakyan namin. And for whatever's sake, 7 am pa ang klase namin ngayon dahil nga exam na.
"Gosh please!" I whispered out of frustration. It's already 5:55 and I have to find something na masasakyan within 5 minutes dahil kung hindi, siguradong late na ako nito.
Ilang sasakyan pa ang dumaan at talaga nga namang nawalan na ako ng pag-asang makakasakay pa. Rush hour pa ngayon kaya't madami kaming naghihintay sa sakayan at medyo bumibigat na rin ang trapiko.
I sighed. I have no choice. Magsusulat na lang ako ng letter sa dean para doon na lang mag-exam mamaya para isang oras pa rin ang ibigay sa akin. I'm just hoping na sana hindi lang ako ang late ngayon dahil kung hindi, baka thirty minutes lang ang ibigay sa akin gaya ng nakalagay sa student handbook namin.
Maya-maya lang ay may bumusinang sasakyan sa harap ko. The car is black tinted so hindi ko makita kung sino ang nasa loob. And I swear, it really annoyed me dahil late na nga ako, ganoon pa ang gagawin niya.
Unti-unting bumaba ang bintana ng sasakyan at bumungad sa akin ang mukhang kaliligo lang na si Matt.
"Get in." utos nito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil ngayon niya na lang ulit ako kinausap pagkatapos ng tatlong buwan. Of course, I'm happy that he finally talked to me. But I want to clear things up. I want to fix everything kasi sobrang nagbago talaga siya.
Walang ano-ano'y sumakay ako sa sasakyan niya and it was really awkward. Sobrang tahimik na parang hindi kami magkakilala.
"Matt..." natigilan akong magsalita nang bigla siyang umimik.
"Sorry." That was the only word that he said pero damang-dama ko. Hindi ko alam kung paano sasagot sa kanya at pakiramdam ko'y ngayon ko lang siya nakausap. Nang mapansin niyang hindi ko alam ang isasagot ko ay nagsalita ulit siya. "Sorry for being cold. Sorry for everything that happened. I really needed that time to think about everything. But every time that I see you with Yuji, it's really killing me. I know that it is so unfair for your part na bigla na lang kitang hindi pinansin and I know na mali kasi wala ka namang ginagawang mali so sorry talaga." I can feel his sincerity with what he have said. And really, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman kasi nagseselos siya kay Yuji.
"Sorry din kasi alam kong hindi ka naman masasaktan kung wala lang 'yon sa 'yo." tanging nasabi ko dito. He looked at me using the front mirror and I saw a smile on his face.
"Tama na nga ang drama. May exam pa tayo." pagkasabi niya noo'y nagtawanan kaming dalawa.
"You better drive fast kasi malapit na tayong ma-late." pagpapaalala ko dito. It's already 7:05 and we really have a big chance of getting late now pero balewala na lang sa akin 'yon dahil masaya ako na nagkaayos kami ni Matt.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero (BoyxBoy)
Teen FictionMaraming rason para masabi nating tayo ay umiibig. Maraming rason para masabi nating siya na nga si the one. But sometimes, there is also a reason why we don't want to love even though we can already feel it. 'Yung tipong ramdam mo na sa puso mong...