Chapter 5

3.4K 125 8
                                    

Hindi ako nag-aral for the exam. Hindi ko na rin naman kailangan eh. I could be the highest with or without studying. Besides, Math lang naman ang exam bukas. 100 ako sa prelim grade ko at kung pwede nga lang ibigay ang grade, siguro'y ibinigay ko na kay Matthew.

Instead of reviewing, I settled down for reading my new novel na binigay ni mommy noong nagpabili ako sa kanya one week ago. Every week niya akong binibilhan ng novel. Sabi kasi niya, that's just the way she could get even. Wala naman daw kaming quality time.

Before I irritate myself, bumalik na lang ako sa pagbabasa ng novel. Madami na akong nabasang novels so I found this novel's start as mainstream. Sa klase nagsimula and I guess, they'll turned out to be inlove with each other.

Pero kahit na ganoon, nagbasa pa din ako. Alam ko namang sa bawat istorya, may mananatiling kakaiba dyan. Maybe something will happen.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko kung sino yun at nagulat nang mabasa ko ang pangalan ni Matthew.

Akala ko ba may lakad siya?

Nagtataka kong sinagot ang phone ko ngunit hindi pa ako nakakapagsalita ay may nagsalita agad.

["Hello po? Kakilala niyo po ba yung may-ari ng phone na to?"] babae ang nagsalita kaya't lalo akong nagtaka. Not mentioning her tone na nakakakaba talaga.

"Bestfriend ko po ang may-ari ng phone. Why?" kinakabahan kong tanong. Sana walang nangyaring masama sa kanya. Masasapak ko talaga yun.

["Tumalsik po kasi noong may nag-aaway dito. Nahuli po sila ng mga pulis"] nahuli ng pulis? My heart almost dropped because of it. Bakit naman mahuhuli ng pulis si Matthew? Bakit siya mapapa-away eh mabait yun.

Kung si Yuji pa yun, matatanggap ko pa and I'll not be like this.

Pero kasi, si Matthew yun eh. Yung bestfriend ko.

"Nasaan po kayo ngayon?" tanong ko at tumayo na.


Sinabi niya sa akin kung nasaan siya ngayon at nag-ayos na ako ng mga dadalhin ko. 

Pumunta ako sa lugar na sinabi niya sa akin at nakita ko ang isang babae.

"Ate, saan po yung prisinto dito?" tanong ko sa kanya nang magkita kami.

"Malapit lang. Kakaliwa ka lang sa dulo at nandoon na siya. Aalis na ako ah. Eto nga pala yung cellphone ng kaibigan mo." 

"Salamat po"

Hindi na ako nag-atubiling puntahan ang prisinto. Nang makarating ako doon ay nakita ko si Matthew at sa gulat ko'y nandoon din si Yuji.

Sabi ko na nga ba eh. Hindi naman mapapa-away si Matthew kung wala yung siraulong Yuji na 'to eh.

Mahal Kita Pero (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon