Chapter 31

1.2K 36 0
                                    

"Do you have any plans this coming vacation?" tanong ni Enzo habang kumakain kaming dalawa. Tapos na kami sa final exams namin kaya naman simula na ng bakasyon.

"Aside from reading books, wala naman na. Ikaw?" I asked as well.

"Next week, I'll go back to Japan. But since wala ka namang plans, I want to invite you sana sa resort namin sa Batangas this week." I was surprised of what he told me.

"Napakaclingy, a. Kahit bakasyon, gusto mo pa rin akong kasama." Pagbibiro ko rito.

"Please? Baka hindi na ako bumalik dito so please, pumayag ka." My face suddenly changed from a joking one to a curious one.

"Bakit naman hindi ka na babalik dito? Grabe, Yuji. Ngayon pa lang tayo nagkakaayos, aalis ka na ulit." I tried to make it sound like a joke but I know, deep inside, I mean it the other way around.

"I have to. Kaya please, sumama ka na and promise, I will tell you everything kapag nasa Batangas na tayo." Naramdaman kong may seryosong bagay siyang hindi masabi sa akin ngayon kaya parang nakaramdam ako ng kaba.

"Kasama si Matt?" I asked.

"Hindi, e. He will be trained on how to handle their business daw so hindi siya makakasama sa atin."

"So, is it just you and me?"

"Ayaw mo ba? We can invite Justine and Den naman if hindi ka komportable." Hindi ko alam pero ang bilis kong napailing nang sabihin niya 'yon. It's not that I don't want to be with them but I have this feeling na kailangang dalawa lang kami ni Yuji na nandoon.

"Sige na. Sasama na ako." He smiled at me after that.

"Gusto mo ba mag-jetski? Kayak? Banana boat? I'll ask them to prepare it kung gusto mo." He looked like a very excited kid just because I said yes and I can't help but to feel more curious of what is really happening. Is it really that bad kaya gusto niyang maging masaya muna? Kinakabahan ako.

"You know naman na hindi ako adventurous na tao pero kung gusto mo, I'll just go with the flow. Ikaw bahala. If you want to ride them all, go lang."

"Then we'll ride them all." His smile looks so sincere right now and really, I can't help myself but to feel bad because of that. Mukhang gusto niya talagang mag-enjoy for one last time bago bumalik sa Japan and I can't stop thinking, ano bang hindi magandang mangyayari sa kanya sa Japan?

"Kailan tayo aalis?" I asked.

"Sa isang araw sana. Tuesday pa naman flight ko and we can leave Saturday morning para mag-enjoy tayo hanggang Monday night." He answered.

"Sounds good. At least, I'll have the whole day tomorrow to prepare."

Natahimik kami pagkatapos noon. Walang nagsasalita at lalong dumarami ang tanong sa isip ko dahil doon.

'Pero baka naman family business nila aasikasuhin niya. 'Wag kang overthinker, Enzo.'
'Pero bakit hindi na siya babalik?'
'Baka naman for good na siya mag-aasikaso?'
'PERO BAKIT CONCERNED KA?'
'Bakit natatakot kang hindi na siya bumalik?'

I shrugged my head. Really, I need to stop thinking about this thing kasi baka lalong lumala lang 'yung nararamdaman ko.

'Ha?'

Again, I shrugged my head.

"Okay ka lang?" Hindi na siya nakapagpigil na magtanong.

"Hindi." I answered. "Ay, oo pala." Natawa na lang siya dahil sa isinagot kong iyon.

Mahal Kita Pero (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon