CHAPTER 2
Thrianne's POV
Hindi na ko nasisiyahan sa pagmamasid sa paligid ng unibersidad. Wala naman kasing pinagbago simula nung unang beses akong nakapasok dito, natatandaan ko pa nung nakaraang taon na pagbisita ko.
Napansin ko ang mga babaeng tumitingin sa akin. Gusto ko sana silang tingnan ng diretso kaso maaksaya lang ang lakas ko sa pagtitig sa kanila.
Familiar na awra...whew..
"Oh my god!Look at that girl"
"Grabe ha,walang taste sa damit eww"
"Yeah,walang pambili I guess ha ha" malanding halakhak pa ng isa.
"Hey trash what's up?"
Maraming humarang sa dadaanan ko. Mga hindi maiiwasang panghuhusga na makikita mo sa kanilang mga mata. Lalo na sa mga...well known na pick me girls ng campus.
Gusto kong matawa sa isip.
Bat parang nasa highschool ako? College ba talaga ito? Walang pinagbago ah. Sabagay, kahit saan namang lugar may estado ang bawat tao..
Hindi ako mahilig magdescribe sa isip ko pero, isa lang ang masasabi ko.
"Tabi"
"W-What? Anong...sabi mo? Huh?!"kompronta sa akin ng nasa gitna. Hindi siya katangkaran dahil mas matangkad ako, kahit nakaheels siya ay nakatingala na siya. Gusto ko siyang kotongan.
"Tumabi ka...sa dinaraanan ko"
"A-At bakit? Sino ka ba sa inaakala mo? Mukhang bagong sampid ka lang dito ah"
Gusto pa ata nilang makipagtalo. Mga seniors na siguro sila. Hays.
Hindi ko na siya sinagot pa. Masasayang ang laway ko. Tahasan ko na lang siyang binangga, pati na ang mga abubot niya sa paligid. Napalakas ang pagkakabangga ko dahil nakaharang sila sa dinaraanan ko.
Nakakawindang ang mga pasiring na mga tingin nila sa akin. Ang mata nila palaging nakatuon sa suot ko, may mga nakaharang talaga sa daan. Naiirita ako.
Daanan ba ito o paradahan ng tao? Tangina
Nasa hallway na kong naglalakad ng makasalubong ang mga estudyanteng nagkakagulo. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaguluhan nila pero wala akong pakialam.
Nanatili akong nakatingin sa kawalan habang binabagtas ang mga taong nagkakagulo ng makabangga ang isang lalaki na pakiramdam ko nakatingin sakin. Hindi ko sinubukang tumingin sa mata niya,dahil wala akong pakialam.
Uso talaga nakaharang sa daanan tsk..
Walang kabuhay-buhay akong pumasok sa room.Nasilayan ko agad ang maarteng si Orange.
"Aba aba!Goodmurneng!"
"Morning"
"San ka nagpupunta at nalate ka? Mabuti na lang at hindi pa pumapasok ang first unit"
Sa first subunit ba tinutukoy nito? Ah, ang nabasa ko sa booklet ng schedule sa ngayon ay ang nagiisang Communication And Purposes. Si Professor Pampino ang nakalagay doon. Yayks.
"Hello Hello!"masiglang bati ng bakla kay Orange.Katapat siya nito."at sino naman ang babaitang nasa likuran mo aber?Absent yan kahapon ah?"
"Ay goodmorning Pringles!oy Thrianne si Pringles pala, classmate natin dito, actually sya yung naikwento ko sayo kagabi! "
Huh? Naikwento?
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...