CHAPTER 96

96 37 5
                                    

Thrianne's POV

Pagkalabas ng Lola ni Rangovine ay nagpasya na akong makisabay sa kanila.

"Masarap no?" anito ni Wilson sa katabing si Josh. Kumakain ang mga ito ng biyaya mula sa impyerno este sa lider ng The 5. Bukod sa nakakabigla nilang pagbisita ay nakakapagtakang biglaan ang pagiging mabait ng isang ito. Makalipas ng dalawang ara na hindi nito pagbisita ay bigla na lang syang bumait.

"Solid kasi sa Jollibee" sang-ayon ni Yashiko, "ultimo nga sa burger nakakalima pa ako eh"

"Same" nakangising tugon ko. Nilipat ko ang paningin sa limang magkakaibigan.

"Wew! Dapat kasi dinamihan mo! Nagugutom pa ako oh!" maingay na boses ni Nath ang umalingawngaw sa kwarto. Kitang-kita ko ang mukha ng mga ksama nya na nayayamot na sa kanya.

"Dalawang bucket ang binili ko Nath! Inaagawan mo pa 'yong iba ng manok oh!"

"Kasalanan mo toh! Pinaghintay mo kaya kami kanina!"

"Ako pa sinisi mo!"

"Shhh" masungit na sita ni Rin. Kakapasok lang nya rito sa kwarto. Ibinaba ko ang manok at nag-angat ng tingin sa kanya.

"San ka galing?"

"I'm done talking to Donya Regina, sa mismong Fencing event daw pupunta ang parents ng apo nya"

"Tsk" mukhang wala na akong takas, kailangan ko silang harapin sa araw na iyon—

"And that Fencing event will be happening tomorrow, I am expecting that you will go to SMU that early"

"A-Ano?"

"Biyernes ang Fencing event Kil, halos 1 linggo ng hindi nagigising si Rangovine and kailangan mo ng magreport sa parents nyan"

"O-Oo..."

"Ah prof. balita ko kayo ang mangunguna sa Fencing event bukas hindi po ba?" naitanong ni Josh habang kumakain.

"Yes" nakatingalang sagot ni Rin. Kinuha nya ang maliit na librong nakapatong sa maliit na table at nagsimulang basahin iyon.

"Hindi ko alam na nagfefencing pala kayo Prof?" si Nath.

"Ilang years na?"

"Since I was 10 years old then" tila hindi interesadong sagot ulit nya. Nanantiling nakatuon ang paningin nya sa mga libro.

"Woah"

Hindi na namin pinansin ang mga papuri nila. Nakatuon ang atensyon ko sa pagkain. Paborito ko talaga ang ibinili ni Zeirin, tsk, siguro natandaan nya noon pang nasa kwarto pa kami at nung dinalhan ako ni Orange ng Jollibee.

"Kumuha ka pa Kil" alok ni Shin. Inabot ko ang burger na hawak nya pero kinuha iyon ng kung sino.

"I-Iceberg?"

"Akin yan" masungit na aniya. Pinagkunutan ko sya ng noo.

"P-Pero..

"Ito na lang sa'yo"

O_O

Laking gulat ng lahat ng biglang may ibinigay na maliit na supot ang timang.

"A-Ano 'yan?"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon