CHAPTER 35

122 61 5
                                    

CHAPTER 35

Natheleo's POV

SUNDAY

Maaga kaming nakauwi ni Mommy galing sa event na pinagdarausan sa anniversary ng pagkamatay ni Lola. Medyo hindi naging maganda ang pakiramdam ko simula pa kahapon. Kaya hindi ako nakipagsayaw sa kahit sinong babae ay dahil don. Ilang araw nang masakit ang ulo ko. At pakiramdam ko gusto kong mahiga buong araw. Pero hindi ko magagawa iyon, lalo pa at Linggo ngayon.

"Mom, ngayon na po ako bibili ng gamit ni Zol" nakangiti kong suhestiyon kay Mommy. Nakataas ang kilay habang binabasa ang nasa diyaryo.

"Sure ka?"

"Opo..sasamahan po ako ni Tita, kung ok lang sa inyo"

"O sige, basta uwi ka ng maaga. May dadalawin pa tayong dinner mamaya ok?"

"Opo Mom thanks" hinagkan ko sya sa pisngi bago ako umakyat sa room ko. Nagbihis ako at inayos ang sarili. Kahit masama ang pakiramdam ko ay pipilitin kong makakilos man lang. Ayaw kong magpahinga ng buong araw sa bahay. Lalo pa't nandito si Mommy. Ako ang unico iho nila, at ayaw nila akong gumagalaw sa bahay na may maingay na kaluskos. Para tuloy akong ibong nakakulong sa hawla.

Napadaan ako sa kwarto ni Tita, halos magkatabi iyon sa kwarto ko,"Tita Eli, ahm..sasama po ba kayo sa akin? Kasi dadaan po ako sa mall"

Hindi ko sya narinig na sumagot. Makaraan ng ilang minute ay binuksan na nya ang pinto.

"Hindi ako makakasama iho,pasensya na"

"A-Ah ganon po ba? Sige ho mauuna na lang ho ako"

"Ingat ka ha"

"Opo"

Sadyang bumaba ako sa terrace dahil may hagdanan naman doon. Ayaw kong makasalubong si Mommy, dahil magtataka sya kung bakit hindi makakasama si Tita.

Habang nasa biyahe ay napahawak ako sa noo. Kinakapa ko ang sariling temperatura.

"Hayss.."

Nagpokus na ako sa pagmamaneho. Nang makarating na ako sa mall ay pinark ko ang kotse sa mismong parking lot ng mall. Dumaan na kaagad ako sa bookstore. Diretso akong namimili sa notebook station, saka nagtungo sa ballpen station.

" I want to buy that thing eh!" pamilyar sa akin ang boses na iyon. Sinilip ko ang kinaroroonan niyon. Laking gulat ko ng makita si Yashiko Miyazawa. May kasama syang binatilyo na sa palagay ko ay mas bata sa amin. Nakanguso ito habang dala-dala ang mga mabibigat na pinamili.

"P-Pero—"

"No pero! Basta ibibili ko yun para sayo! Tingnan mo oh! Inihabilin ka nga sakin tapos ni gamit mo naman wala kang maibili! Hindi ako papayag!"

Napakamot na lang ang kasama nito. Tatalikod na sana ng mahulog ko ang ballpen. Nasundan ng paningin ko ang gumugulong na iyon papunta sa nakasuot ng high heels na sapatos. Nakita kong pinulot ng kung sino ang ballpen. Pagkaangat ko ng tingin ay nakatingin na si Yashiko sa hawak nyang ballpen.

"Ah mister, sayo ho yata—oy! I know you! Nakita na kita dati ah" nakangiting sabi nya. Tumayo na ako at kinuha ang ballpen. Sinalubong ko sya ng ngiti.

"Yes"

"Saan nga ulit tayo noon nagkakilala?"

Hindi na nya maaalala? "N-Noong birthday ni Shinichi"

"Ah!! Naalala ko na, s-sorry ah nakakalimutan ko heheh, anong pangalan mo ulit?"

"N-Natheleo Vinche"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon