CHAPTER 61 DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 2

97 48 15
                                    

Jehridale's POV

After ng tagpong iyon ay inutusan na naman kami ni Prof. Ciel sa History Department na manguha ng mga materials. Mamayang 9:00PM pa ang umpisa ng pageant. Nakatshirt lang kami na pang-SMU at hindi nga allowed ang magsuot ng ibang tshirt na galing sa mga fresh colleges.

Tinawag ko pa si Rukawa dahil katatapos lang nila sa pagbabanda. Bigla lang naman akong nakramdam ng inis ng makita silang magkasama ni Shinichi.

"R-Rukawa?! Bilisan mo naman ang bagal bagal mo!"

Hindi nya ako kinibo. Lalo lang akong nainis sa ginagawa nya. Napapansin kong medyo may tama na si Rukawa dahil isang pitsel ba naman ang ininom nya. Tsk, para talaga syang lalaki.

Nakikita kami ng ibang seniors pero wala akong pakialam. Iba ang case ngayon. Importante ang mga materials na iyon para maikabit ang banner, para daw makapagumpisa na silang magtinda.

"Ito ba yun?" hawak na nya ang kulay pulang lubid. Tumango tango ako.

Mabilis na kaming lumabas ng office ng makasalubong sila Aoko at Timrelli. Teka, bat magkasama na naman sila?

"D-Dude? What are you doing here?'

"May pinapakuha lang sa amin" hindi ko maiwasang manlamig sa kausap.

"Na kayo ang magkasama?" nagtatakang tanong ni Aoko sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko kailangang makaramdam ng selos, na hindi naman dapat. Kaibigan ko si Timrelli, at hindi ako maaaring makaramdam nito pero bakit? Bakit magkasama pa rin sila ni Aoko?

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Rukawa, "Kung may problema ka sa akin Alomira, sabihin mo na, wag kang umastang anghel sa harap ko. Hindi ka nakakatuwa"

Nabigla ako sa tinuran nya. Ano ba Rukawa? Hindi mo ba nakikitang malalim ang iniisip ko ngayon sa kanilang dalawa?

Nagugulumihanang tinitigan sya ni Aoko,"A-Ano bang sinasabi mo?"

"Ang anghel, ay hindi nabubuhay sa lupa, kundi sa langit. Pero ang huwad na anghel tulad mo, ay magaling mamuhay sa lupa, pero hindi nakaatuntong sa langit. Sa katunayan.." lumapit pa sya kay Aoko, "sa impyerno talaga sya nakatira" nakangising sabi nya. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Rukawa kaya't hinablot ko ang pulsuhan nya at inilayo kay Aoko.

"Anong ibig sabihin nito JD? Ipagpapalit mo ako sa isang....barumbadong babae?"

"W-What?!" naguguluhang tanong ko sa kanya. Nakakainis! Ano bang pinagsasabi ngayon ni Aoko?! Bakit wala akong maintindihan!

"Pfft hahahahaha!" mahinang tawa ni Rukawa ang lalong nagpapainis sa sakin, "grabe imahinasyon mo, lumelevel up ah, nakita mo lang kaming magkasama binigyan mo na ng kahulugan? Saang planeta mo nakuha ang utak mo at pasasabugin ko"

"Stop being a joker Rukawa, you're not funny" sita ni Alomira sa kanya. Nawala ang ngiti ni Rukawa at seryosong tumingin sa kanya.

"And stop being a fake angel, you're nothing but a piece of gold who wants to be a part of heaven"

Ano bang pinagsasabi nila?! Hindi talaga ako makasabat sa away ng mga babae! >_<

Lalong sumeryoso ang mukha ni Timrelli, "I think we should go now Alomira. Jehridale"

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon