Shinichi's POV
"What?!" I was shocked. Timrelli supposed to be in his way in practice Fencing but he was absent. Pumasok naman sya kanina. Yun nga lang, napapansin ko ngang namumutla sya. "S-So kung ganon..bukas na kami magpapractice? Tch"
"Yes" ani Zacob. Bumuntong hininga ako. Malaking kawalan sa akin ang pagsasayang ng oras, lalo na't marami akong gagawin. Uuwi mamaya si Mommy galing Japan, at mukhang biglaan nga iyon.
Bumuntong hininga ako. Napepressure na naman ako sa buong araw na ito. Batid kong hindi ako dapat mag-alala sa nangyayari pero ang instinct ko. Hayss
"Kailangan kong makita sila ngayon, baka kung ano na namang mangyari—"
"Shinichi!!"
Kay Joshua galing iyon. Halos ilang araw ko siyang hindi nakita. Bukod kase sa practice ay hindi na ako gaanong nakakadalaw sa banda.
"Oh? Kamusta?"
"Okay naman...ah sya nga pala, may masama akong balita sayo"
Natigilan ako, " A-Ano yun?"
"Si Wilson, naconfine sya"
"What??"
"Oo, at ang sabi pa matagal-tagal ang recovery nya"
"B-Bakit naman sya naconfine? May nangyari ba?"
"Hindi ko alam, hanggang ngayon kasi hindi pa sya nagigising. Kinakabahan na ako, sana naman maging ayos na ang lahat"
"Oo nga...wait where's Crayden?"
" Nasa ospital pa rin yun, kakadalaw ko nga lang don eh. Mamaya pupuntahan ko ulit sya."
"Sorry ah"
"Saan naman?"
"K-Kasi sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa banda wala ako doon"
"Okay lang yun! Ang mahalaga buhay tayo"
"A-Anong connect?"
"Tch, ang slow mo na yata Shinichi? Hahahahahah!!! O sige na, mukhang may pupuntahan ka pa. Ay wait, good luck sa practice nyo ah"
"Salamat"
Pagkatapos niyon ay nagtungo na ako ng canteen. Kumakalam na ang tiyan ko. Hindi ako nakipila sa mga estudyante. Dahil miyembro ako ng The 5 ay may sarili akong linya. Ayaw ko namang kumain dito dahil pinagtitinginan ako ng mga babae. Sadyang sa music room ako madalas tumatambay para kumain kapag hindi kasama ang mga kaibigan ko, o hindi kaya sa rooftop.
" Set D"
Binitbit ko ang try na may mga lamang pagkain at dinala iyon sa rooftop.
Tch, isa pang dahilan kung bakit gusto kong magpakalayo-layo muna, ayaw kong makasalubong si Thrianne. Ayaw ko munang magkrus ang landas namin. Ni ang makita sya ay ayaw ko. Gusto ko munang magmuni-muni para sa sarili ko.
Naguguluhan talaga ako sa feelings ko ngayon. Nitong nasuspend siya ay para akong napukpok ng martilyo. Halos wala akong ganang gumising sa araw-araw. Pakiramdam ko para akong namatayan.Sa tuwing nababalitaan kong may nangyaring hindi maganda sa kanya nasasaktan ako. Hayss..
Nitong mga nakaraan hindi ko na masyadong iniisip si Hanabi. Tutok na ako sa Fencing. Aminado naman akong nasaktan sa balitang pagpapakasal nya pero parang wala na iyon sa akin. Ang kirot na naramdaman ko sa aking dibdib ay tila naglaho.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...