CHAPTER 59

100 47 2
                                    


CHAPTER 59

THRIANNE'S POV

SABADO

"Morning" bati ko sa kasama kong si Sakuragi. Nakakapagtaka naman ang taong ito, mukhang napuyat kagabi? Pero ang unfair, kahit may konti lang eyebags nya ang gwapo pa rin tsk.

Luh..nasabi kong gwapo siya? Dapat pala nagmura na lang ako, tangina..

Pero ayaw kong birahin siya. Baka magtalo na naman kami, pagod pa ko.

"Morning din, teka, nakauwi na ba yung babaeng kasama nyo?"

"Si Michaendra? Oo"

"Ah, goodluck pala sa praktis nyo mamaya, hapon yun right?"

"Uhuh, gusto mo ng kamote?"alok ko dito. Kita ko ang ngiwi nyang reaksyon.

"K-Kamote? Sweet potato?"

Pinaikot ko ang mga mata, ano na namang kaartehan ang mayroon sa taong ito.

"Oo"

"A-Ayokoo, nakakatae yan eh"

O_o

"Eh? Ayaw mong kumain ng kamote pero yung mga unhealthy na pagkain sa umaga binabanatan mo? Tsk tsk, malapit na tayong hindi magkakasama sa iisang kwarto Sakuragi, kahit papaano naman dapat kumain ka nito, malay mo"

"Malay mo ano?"

"Malay mo, pag natikman mo at masarap ang lasa, hahanap-hanapin mo"

"T-Talaga?"

"Tsk, natural lang kasing matatae ka kapag first time mong kumain ng kamote, o di kaya patigil tigil ang pagkain mo, or..matatae ka talaga dahil nalilinis nito ang mga toxins sa bituka mo."

"Pahingi nga ako nyan Rukawa, ligo lang ako"

"K" maikli kong tugon. Nilapag ko ang dalawang ready to eat ng kamote, inabot sa akin ito ni Rin kaninang umaga. Galing daw sa pagmamahal ni Orange tch. Ang baduy ng babaeng iyon.

Pagkatapos maligo ni Sakuragi ay sinalubong nya ako ng may nagtatakang tingin.

"Bakit?"

"Ano yung mga sinampay sa cr? Nilabhan mo yun?"

"Oo"

"What?! As in naglalaba ka ng mga damit mo?!"

"Luh gulat na gulat, syempre naglalaba ako, kailangan kong maglaba ng sarili kong mga susuotin, ayaw kong umasa sa ibang tao"

"Ah, buti pa sa amin pinapalaundry na lang namin, ayaw kasi ni Ate na palabhan sa mga yaya doon sa bahay"

"Bakit?"

"Baka daw gumaspang mga kamay ng katulong nya tss"

Mahina akong natawa saka umiling. Ibang klase pag bigtime, papalaba na lang ng damit sa kung saan. Nagumpisa na kaming kumain ng tahimik. Naging normal na sa amin ang pagsasama sa iisang kwarto kahit na magkaaway kami. Kahit kadalasan immature sya, nakikita ko ang pagiging matured bully sa kanya. Minsan na lang sumasakit ang ulo ko sa taong ito, ok na sakin kung after nito ay hindi na kami magkikita. Ni ang pambubuyo sa akin ay mababawasan, at least mababawasan ang hindrance.

THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon