Orange's POV
Masama ang pakiramdam ko ngayon dahil siguro sa mga natuklasan ko kagabi. Hanggang ngayon ay hindi ako nakapagpahinga, alam na pala ni Airon ang tungkol sa panganib na sinusuong ngayon ni Thrianne para mabantayan akong maigi.
"Hoy"
Naiinis na lang ako. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga papansing tao sa lipunan, pinaglalaruan nila ang buhay ng isang tao at ginagawa nilang maze ang kapalaran nila.
"Hoy"
Pero napaisip ako, ano nga kayang dahilan at bakit nila ako kailangang pagbantaan ng paulit-ulit? Meron bang—
"Hoooooyyyyy tanginaaa kaaaaa!!" napabalikwas ako ng gulat dahil malapit na pala sa tainga ko ang boses ni Thrianne. Grabe naman sya! Makasigaw parang wala akong tainga ah!
"Kanina pa kita tinatawag dyan" masungit na wika nya. Napakamot ako sa ulo.
"S-Sorry, may iniisip lang ako"
"K" tipid nyang sagot. Itinuloy na nya ang pagkain habang ako ay naonood ng tv. Umaga ng Lunes, balik normal na ang lahat sa amin. Mabuti ngang ganon eh, namiss ko rin ang babaeng mahilig sa kamote at gatas. Maya-maya ay binigyan na nya ako ng nagtatakang tingin.
"B-Bakit?"
"Paos ka?"
"Ha?"
"Paos ka?"
"Eh kasi—"
"Tsk, wag ka na munang magsalita, ipahinga mo muna yang boses mo"
Tinanguan ko sya. Tama nga naman sya. Kapag pinagpatuloy ko pa ang pagsasalita baka tuluyan nang mawalan ako ng boses. Kung bakit naman kasi ako nagkalagnat! Huhuhuhuhuhu!
"Lovenat tsk tsk" iiling iling nyang sabi habang nakangisi. Hala?! Bakit sya nakangiti ngayon?! Mukhang good mood sya, di kaya—
"Urk—" sinalampak nya ang buong kamote sa bibig ko. Sisigawan ko sana sya dahil sa inis pero dinuro nya ako.
"Pag nagsalita ka pa uuwi kang walang kasama mamaya" pagbabanta nya. Kainis na babaeng ito! Kung wala lang akong paos at hindi lang masakit ang ulo ko ay baka masigawan ko sya ng bongga.
Naligo pa rin ako kanina kahit masakit ang ulo ko kaya heto't nagdurusa sa sobrang init ng pakiramdam ko.
"Teka, diba may drama class kayo mamaya?"
Tumango ako. Oo nga ano? Paano pa ako makakpagpractice mamaya kung namamaos ako? Huhuhuhuh..
"Sasamahan na lang kita mamaya"
O_O
Parang sumubora yata ang pagigign good mood ni Thrianne? Anong nangyari dito?
Uhuuhuhu- (ubo yan wag kayong ano)
Napayakap na lang ako sa braso nya. Hindi naman sya kumalas. Alam nya na maysakit ako, at mukhang hindi naman sya mahahawa,dahil mukha syang bangkay duh. Malamang hindi madaling mahawaan ng mga viruses ang babaitang yan, maski nga ang lason hindi sya kayang patayin eh!
"Pag tinanong ka ni Pampino mamaya ako ang sasagot, naintindihan mo?"
Tinanguan ko sya. Patay malisya akong naupo, hindi ko pinansin ang araw araw na nilang pagtitig sa akin. Nasanay na ako. Kung papatulan ko pa ang mga yan ay baka mas lalong sumama ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...