-Kung naguguluhan kayo sa novel na ito, please be patient. Trust the flow, and you will know.
😊---------------------------------------------
Jehridale's POV
Nagising na lang ako sa biglaang pagyugyog sa akin. Naalimpungatan pa nga ako.
"A-Anong-"
O_O
O//______//O!!
Nagising akong nasa harap ko na si Kilein! Napakalapit ng mukha nya sa akin!
"K-Kil-"
"Shhh" saway nya. Nilingunan ko ang mga kasama ko. Tulog pa rin sila. Wala na rin ang mga bodyguard sa loob nitong kwarto.
"A-Ano bang nangyari? Bat ang tagal ninyo?" pabulong kong naitanong. Wala syang sinabi. Nanatili lang itong nakatitig sa akin, na parang may gusto syang sabihin.
"Huy"
"Umuwi na kayo ng mga kaibigan mo..maaga pa kayo bukas"
"P-Pero-"
"Ayos lang...wala namang nangyari sa amin, pasensya na kung natagalan kami"
Pero hindi mapakali ang isip ko. May kung ano sa akin bumabagabag, parang nasa akin ang kutob na may nangyaring hindi maganda.
"Wag ka ng mag-alala dyan. Magiging maayos din ang lahat" nakangiting sabi nya. Mukhang wala na akong magagawa kundi ang tumayo at gisingin ang mga kasama ko. Nakauwi na ng maaga sa amin sila Shinichi at Tim dahil nasa bahay nila ang parents nila.
May inayos pa sya sa bag nya kaya hindi ko na sya inusisa pa. Ginising ko ang mga kaibigan ko at kahit naalimpungatan sila ay hindi na nila nagawang magsalita dahil sa antok.
"Bye Thrianne babes.." pinipilit pang maging cool ng siraulong Airon na ito. Tinanguan lang sya ni Kilein. Isinara ko na ang sa bandang passenger's seat kung saan nakaupo ang dalawa. Binalingan ko si Kilein na noon ay mukhang hindi nakatulog, nasaan na kaya ang mga kaibigan nito? May nangyari kayang hindi nya sinasabi sa amin?
Sa halip na usisain pa sya ay nagkamot na lang ako sa ulo.
"Ikaw? Paano ka?"
"Huh?"
"Hindi ka pa ba uwi?"
"Nandoon pa sa loob si Rangovine...hindi ko sya pwedeng iwan"
"Ah...s-sige..bye bye"
"Hmm...salamat ah"
"Para saan?"
"Kahit nakatulugan nyong bantayan si Orang ay hindi nyo sya iniwan..salamat"
O_O
Hindi man nagbago ang seryoso nitong ekspresyon sa mukha ay natitiyak kong sinsero niyang sinabi iyon. Wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob ng kotse at minaneho ito. Hinatid ko sa kani-kanilang bahay ang mga naalimpungatan kong mga kaibigan.
KINABUKASAN
MORNING -_-
Hindi naging maganda ang gising ko. Syempre halos tatlong oras lang ang tulog ko. Pero nagising dahil sa--
"Brother! Ano ba! Gising na sabi eh!"
Ang pinakamaingay na alarm clock, si Ate.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...