Jehridale's POV
Inis akong sinuksok ang phone sa bulsa at nakapamulsang tumayo. Kararating ko pa lang uutusan na ako ng delubyo. Kainis.
"Oh iho? Saan ka pupunta?" agad na pansin sa akin ni Lolo Mau. Bumuntong hininga muna ako.
"Nagpapabili po si Ate ng pagkain" walang ganang sagot. Tumango-tango sya.
"Ganon ba? Oh sya, bibisitahin ko din ang schoolmate ni Mrs. Mondrallgo, I should go first ha?"
"S-Sige po" kailangan ba talaga nyang banggitin ang Mrs. Mondrallgo? Psh. Pagkalabas ni Lolo ay wala akong ganang hinawakan ang doorknob. Muli akong bumuntong-hininga at sinilip si Aoko. Nahihimbing pa rin syang natutulog. Hanggang kailan pa ba sya magigising? Tsk.
Nakabusangot akong lumabas at hinanap ng paningin ko si Ate. May naririnig akong mahinang paghikbi sa kung saan. Dahan-dahan akong sumulyap sa kinaroroonan ng kung sino at saktong napadaan na sya sa harap ko. Laking gulat ko ng mahagilap ng paningin ko si Thriaxiveille na nakatiim ang bagang habang pinupunasan ang bakas ng luha sa kanyang mga mata.
Nakatalikod na ito sa akin pero panay pa rin ang pagsinghap nya. Napakagat-labi ako. Pangalawang beses ko na syang nakitang ganito. Ngayon hindi ko na maitatanggi, sobra sobra ang pag-aalala ko.
Ano kayang nangyari sa kanya? Bakit kaya sya umiiyak?
Kusang gumalaw ang mga paa ko sa direksyon kung saan sya dumaan. Kinakabahan man ay aminado akong gusto ko syang sundan. Gusto ko ng malaman kung saan sya pupunta ngayon.
Habang sinusundan ko sya ay bigla na lang may napadaang lalaki sa harap ko. Nakacap ito habang itinatakip nya iyon sa mukha. Nagkabangga pa ang mga balikat namin pero hindi ko na iyon pinansin pa. Desidido akong sundan ang babaeng iyon. Baka mamaya magpakamatay na yun eh.
Nagpalinga-linga ako sa tinatahak kong daan. Pagkalabas ko ay nahagip ng mga mata ko ang babaeng iyon na nakatalikod habang nakaupo sa tuhod. Hindi masyadong gumagalaw ang balikat nya. Pero naririnig ko ang paghikbi nya.
Hindi ko maintindihan kung bakit Nakaramdam ako ng awa. Wala pa naman akong alam sa nangyari.
Ilang saglit pa ay may lumapit sa kanyang itim na pusa. Nakaupo na lang ito, di kalayuan sa kanya. Halos isang palad lang ang layo sa kanila. Hindi sya nito nililingunan ng babaeng iyon. Nanatili lang ang babaeng iyon na nakayuko. Tinapik sya ng pusa gamit ang paghimas sa kanya ng ulo nito. Nag-angat na ng tinign ang babae sa pus.Nagtakak sya nitong tinitigan.
Weirdo..
Pero, namamangha akong pinagmasdan sya. Hinihimas-himas na nya ang ulo ng pusa. Para silang naguusap usap.
Binuhat nya ang pusa sa kandungan nito.
"Alam kong nandyan ka"
O_O
Lumingon ito sa akin. Punas na ang mga bakas na luha sa mga mata nya.
"Sinundan mo ba ako?"
"H-Ha?"
"Sinundan mo ba ako?" pag-uulit nya. Mabilis akong tumanggi.
"Hindi ah!"
"Tsh" Singhal nya. Hinihimas pa rin nya ang ulo ng pusa na nasa kandungan nya. Nakatingin na sya ngayon sa akin at ako naman ay hindi na makagalaw sa kinatatayuan ko. Muli syang lumingon sa akin.
"OK na ba girlfriend mo?" hindi ko inaasahang lalabas ang mga katagang iyon sa kanya. Paanong nakakapagtanong pa sya ng ganon, e kanina lang umiiyak sya. Pero hindi ko na lang sya binara. Minabuti ko na lang na kausapin sya sa maayos na paraan.
BINABASA MO ANG
THE UNEXPECTED Season 1 [COMPLETED] Under Revision-
Mystery / ThrillerKakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagdating ng The 5 sa kanyang buhay, ang makikilala ang lider nito, si Jehridale Zeirin Callevein... Magagawa nya kayang magbagong buhay ng tulu...